Diskurso PH
Translate the website into your language:

Veteran actor Dido dela Paz pumanaw matapos makipaglaban sa cancer

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-11-23 23:18:48 Veteran actor Dido dela Paz pumanaw matapos makipaglaban sa cancer

November 23, 2025 – Pumanaw na ang beteranong character actor na si Dido dela Paz matapos makipaglaban sa cancer. Siya ay 69 years old.

Sumakabilang-buhay ang veteran actor kahapon, November 22, makalipas ang pitong taong pakikipaglaban sa adenoid cancer.

Ayon sa isang health website, ang adenoid cystic carcinoma (ACC) ay isang bihirang uri ng cancer na kadalasang tumutubo sa glandular tissues, partikular sa salivary glands sa ulo at leeg. Maaari rin itong lumabas sa ibang parte ng katawan tulad ng dibdib, balat, at respiratory tract. Bagamat mabagal ang paglaki, kilala itong umatake sa mga nerves at maaaring kumalat sa ibang organs sa paglipas ng panahon. Karaniwang lunas ang surgery, kasunod ang radiation therapy.

Kinumpirma ng pamilya ni Dido ang malungkot na balita sa pamamagitan ng social media ngayong araw. Sa kanilang post, sinabi:

"Dear family and friends, It is with great sadness that we inform you of the passing of Dido de la Paz. A father, a brother, and a friend to many.

Further details regarding the wake will be posted on Monday. Thank you and God bless."

Nagsimula ang showbiz career ni Dido noong 1976 sa stage plays ng Repertory Philippines Theater, Gantimpala, Teatro Pilipino, PETA, at iba pang theater groups. Ang unang TV exposure niya ay sa “Kahapon Lamang” ni Eddie Ilarde noong 1978 kung saan gumanap siya bilang lover ni Odette Khan.

Aniya pa, nagkaroon siya ng commercial noon para sa ROYCO Chef sa Royco noodle soup, na may cooking demo portion sa Eat Bulaga.

Nanalong Best Supporting Actor si Dido sa Cinemalaya Film Festival 2017 para sa pelikulang “Respeto”, na pinagbidahan ng rapper-songwriter na si Abra. Bukod dito, nanalo rin siya ng parehong parangal sa Asia-Pacific Film Festival 2018.

Ilan pa sa kanyang mga pelikula ay “Edward” (Cinemalaya 2019), Moro (2022), Leonor Will Never Die (2022), The Heiress (2019), Oda Sa Wala (2018), Nilalang (2015), Amok (2011), Birdshot (2016), Serbis (2008), Sukob (2006), at marami pang iba. Ang huling pelikula niya ay ang Cinemalaya entry na “Ginhawa”, na ipinalabas noong 2022.

Larawan: Google