Diskurso PH
Translate the website into your language:

Kim Chiu, napa-“char not char” sa issue ng ‘relapse’ kay Gerald: 'Akala mo ’di tayo niloko 15 years ago!'

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-11-25 23:44:25 Kim Chiu, napa-“char not char” sa issue ng ‘relapse’ kay Gerald: 'Akala mo ’di tayo niloko 15 years ago!'

Nobyembre 25, 2025 – Nagpainit ng social media ang aktres at It’s Showtime host na si Kim Chiu matapos siyang maglabas ng isang makahulugang hirit tungkol sa umano’y “relapse” — na agad namang iniuugnay ng netizens sa ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Napahugot si Kim sa X: “Nakakaloka ‘yung feed ko!”

Sa isang X (dating Twitter) post nitong Martes, Nobyembre 25, tila hindi napigilan ni Kim na mag-react sa biglang pag-usbong ng mga throwback kilig mula sa fans na muling kinabitan sila ng ex-loveteam na Kimerald.

Ani Kim: “Nakakaloka yung feed ko ah. Kung makapagrelapse akala mo talaga eh di tayo niloko 15 years ago!!! Hahahahaha char not char!!!!”

Bagama’t wala siyang pinangalanan, mabilis na nag-apoy ang comment section—at halos sabay-sabay na itinuro ng fans kung sino raw ba ang “relapse topic”: walang iba kundi si Gerald Anderson, na minsang naging boyfriend at loveteam partner ng aktres.

Fans: “Teeeh, harmless relapse lang!”

Sa comments, bumaha agad ang reaksyon mula sa Kimerald loyalists, Kim fans, at mga nakisilip lang sa kaguluhan ng nostalgia. Viral ang ilang komento dahil sa pagiging savage pero may halong kilig:

“Baka kayo nga ang endgame.”

“Okay lang ako mag-relapse kay Gerald basta huwag kay Xian! Hahahaha!”

“Sweet talaga si Gerald… KIMERALD NA PLEASE. Isang movie please!”

“Parang kasalanan pa namin eh!”

“Teeh, nostalgia lang. Inner child namin ang sumigaw!”

Marami ring nagpaliwanag na ang “relapse” ay sa loveteam, hindi sa relasyon—lalo’t matagal nang move-on ang dalawa sa totoong buhay. Ang iba, tuwang-tuwa lang daw na nakita nilang muli ang dalawang ex-partners na magkasama sa iisang event.

’Yung mini-reunion na pinag-ugatan

Nagsimula ang lahat nang magkita sina Kim at Gerald sa Star Magical Christmas: Sleigh the Night, kung saan nagkaroon sila ng short but viral interaction.

Kahit ilang segundo lang, sapat na iyon para umatake ang nostalgia ng fans na tumutok sa kanilang tambalan pa mula Love Spell at Your Song days.

Pero iba ang dating kay Kim—kaya naman ang kanyang “char not char” post ay tila pasimple pero diretsong paalala na…

Hello? May “history” tayo!

Throwback issue na hindi nawawala. Hindi talaga matigil-tigil ang pagbanggit sa 15-year-old issue sa pagitan ng dalawa—lalo’t naging kontrobersyal ang past breakup nila dahil sa alegasyon ng “panloloko.”

Kaya nang mag-viral ang reunion moment nila, hindi nakapagtataka kung bakit may konting hugot si Kim.

Kim: tahimik pero may patama — on brand!Hindi klaro kung nagtatampo ba siya, nagjo-joke lang, o nagpaparamdam sa fans na may boundaries pa rin. Pero gaya ng dati, kahit may patutsada, light, funny, at very Kim Chiu pa rin ang delivery.

At tulad ng inaasahan — mas lalo lang naloka ang netizens.