Joaquin Arce, buong tapang na ibinunyag ang kapansanan sa loob ng Bahay ni Kuya
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-11-26 13:54:40
Nobyembre 26, 2025 – Isang emosyonal pero inspiradong rebelasyon ang ibinahagi ni Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0 housemate Joaquin Arce matapos niyang idetalye sa Confession Room ang matagal na niyang tinatagong kondisyon.
Sa episode noong Martes, Nobyembre 25, naging bukas ang puso ni Joaquin nang sabihin niyang ipinanganak siyang bingi ang kanang tenga. Hindi raw niya naranasan—kahit minsan—na makarinig gamit ang magkabilang tenga.
“Pinanganak po akong bingi sa kanan kong tenga. Never ko po naranasan na may dalawa po ‘kong tenga na nakakarinig,” pagbabahagi niya.
Sa halip na malugmok, sinabi ni Joaquin na pinili niyang harapin ito nang positibo habang lumalaki.
“In my entire life I’ve been looking at it in such a positive light na hindi ko po napansin ‘yong mga negatibong effects,” dagdag niya.
Hindi “kawawa” — kundi “unique”
Inamin din ni Joaquin na never niyang naramdaman na may “special needs” siya dahil sa pagpapalaki ng kanyang mga magulang.
“They didn’t treat me na kawawa ako. They enforced positivity na dahil dito, unique ako.”
Dahil dito, lumaki siyang naniniwalang ang kanyang kapansanan ay parang superpower, hindi hadlang.
Angel Locsin, nauna nang umamin sa X. Matatandaang nauna nang ibinunyag ng stepmom niyang si Angel Locsin ang kondisyon ng anak-anakan sa isang X post matapos mapansin ng viewers na minsan ay hindi agad tumutugon si Joaquin.
Ani Angel: "If he ever talks a bit loud or doesn't respond, please forgive him—our son is completely deaf in his right ear."
Marami naman sa mga manonood ng PBB ang tila mas humanga pa kay Joaquin matapos ang kanyang pagiging totoo, at nakikita nilang inspirasyon ang kanyang kuwento sa mga taong may pinagdaraanan ding parehong kondisyon.
Larawan mula sa Pbb YouTube
