Diskurso PH
Translate the website into your language:

Miss Universe for sale? Raul Rocha, sawang sawa na sa kontobersya

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-11-26 18:40:05 Miss Universe for sale? Raul Rocha, sawang sawa na sa kontobersya

Nobyembre 26, 2025 – Mukhang tuloy-tuloy pa rin ang laglagan at kaguluhan sa mundo ng Miss Universe! At this time, mismong Miss Universe Organization (MUO) president Raul Rocha na ang sumuko sa drama at kontrobersya.

Sa isang interview with Mexican journalist Adela Micha, inamin ni Rocha na handang-handa na siyang ibenta ang hawak niyang 50% stake sa Miss Universe. Bakit? Simple lang daw—“fed up” na siya sa endless issues na umiikot sa kanilang pageant world.

 “This is like a test, like a relay race. Who do I pass the baton to?" — Raul Rocha

‘Sawang-sawa na ako!’ – Rocha

Hindi raw ganito ang inaasahan ni Rocha nang bilhin niya ang kalahati ng MUO. Pero dahil sa sunod-sunod na kontrobersya, bigla raw nag-iba ang ihip ng hangin.

 “I’m so fed up. I’m so fed up with all the talk. I don’t lend myself to that kind of thing.”

Kung tutuusin, di pa naman natatapos ang gulo mula sa 74th Miss Universe na punô ng resignation ng judges, contestants backing out, at mga alegasyong may ‘rigging’ daw umano sa resulta. Kaya hindi talaga nakapagtataka kung bakit napuno na rin si Rocha.

Pakialaman daw nang pakialaman?!

Isa pa raw sa dahilan ng stress ni Rocha ay ang mga taong—fans, insiders, kung sinu-sino—na ‘feeling shareholders’ at gusto raw makialam sa lahat ng galaw ng MUO.

 “They want to come and tell you what decisions you make… why you hire people… why you take away people…”

In short, parang bawat move ni Rocha may pintas, may reaction, may hanash—at mukhang hindi na niya kinakaya ang pressure cooker vibes.

Nag-deny na, pero nasangkot ulit. Hindi rin nakatakas si Rocha sa intriga nang sabihin niyang walang dayaan at hindi pre-determined ang pagkapanalo ni Miss Mexico Fatima Bosch—pero matapos nun, siya pa ang naguluhan dahil may backlash na naman over his comments tungkol kay fan-favorite Olivia Yace ng Côte d’Ivoire.

Talagang mainit ang Miss Universe tea ngayong taon, besh!

What’s next for MUO?

Kung tuloy-tuloy ang plano ni Rocha na ibenta ang kanyang stake, malaking tanong ngayon kung sino ang susunod na magiging ‘boss’ ng Miss Universe—at paano maaapektuhan ang future ng isa sa pinakamalaking pageants sa mundo.

Pero for now, isang bagay ang malinaw:

Even the president himself is tired of all the drama.

At knowing how wild pageant fans can get? Hindi na kami shocked.