Angelica Panganiban, todo-puri sa muling pagtatrabaho kay Zanjoe Marudo: 'Masarap siyang katrabaho, mature na mature na!'
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-11-27 00:42:00
Nobyembre 27, 2025 – Sa bonggang pagbabalik ni Angelica Panganiban sa MMFF ngayong 2025 sa pelikulang UnMarry, muling nagkasama onscreen ang aktres at ang long-time friend at dating leading man na si Zanjoe Marudo. Huling nagtambal ang dalawa noong 2012 sa pelikulang One More Try, kaya’t hindi nakapagtataka kung bakit ramdam na ramdam ang kilig ng fans sa kanilang reunion.
Pero kung dati raw ay magaan na ang working relationship nila, ngayon ay mas level-up na ito.
“Iba na kami ngayon… may pamilya na, may anak na.”
Aminado si Angelica na malaking bagay ang parehong pagiging magulang nila ni Z ngayon.
“Pinakamaganda siguro yung comfort namin sa isa’t isa. Iba na ngayon dahil pareho na kaming may pamilya, may anak. Mas madali yung understanding sa kung ano yung pinagdadaanan ng isang pamilya,” ani Angelica.
Mas ramdam na raw nila ang bigat, saya, at realidad ng mga roles na ginagampanan nila dahil mas mature na sila sa totoong buhay.
Zanjoe off-cam: “Hindi siya bugoy, malalim na tao ‘yan.”
Kung sa tingin ng iba ay wacky at pabiro si Zanjoe, iba ang pagkakakilala ni Angelica sa kanya behind the scenes.
“Baka akala ng mga tao kay Zanjoe, bugoy, komedyante. Hindi eh. Malalim na tao si Z. Masarap kausap. Very responsible sa likod at harap ng camera,” reveal ng aktres.
Dagdag pa niya, solid ang work ethic ni Zanjoe—kaya hindi na nakapagtataka kung bakit smooth ang trabaho at natural ang chemistry nila onscreen.
“Masarap siyang katrabaho talaga. Maalaga siya.”
UnMarry: star-studded MMFF entry
Bibida sa UnMarry hindi lang sina Angelica at Zanjoe, kundi pati sina Kathryn Bernardo, Eugene Domingo, at Solenn Heussaff.
Idinirehe ng seasoned filmmaker Jeffrey Jeturian at produced ng Quantum Films at CineKo Productions, handa na itong magpasaya, magpaiyak, at magpakilig sa MMFF audience simula December 25.
Makikita muli ang mas matured, mas grounded, at mas emotionally rich na tandem nina Angelica at Zanjoe—isang reunion na siguradong tatamaan ang puso ng maraming fans.
