Diskurso PH
Translate the website into your language:

Millie Bobby Brown, emosyonal na nagpaalam sa ‘Stranger Things’: 'See you on the right side up'

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-11-30 23:26:15 Millie Bobby Brown, emosyonal na nagpaalam sa ‘Stranger Things’: 'See you on the right side up'

Nobyembre 30, 2025 – Nagpaalam na si Millie Bobby Brown sa kanyang iconic na papel bilang Eleven kasabay ng premiere ng final season ng Stranger Things, na mas lalo pang nagpaiyak sa mga fans na sumubaybay mula 2016.

Sa Instagram, nagbahagi ang aktres ng mga lumang litrato at behind-the-scenes moments mula sa walong taong journey niya sa serye, kalakip ang taos-pusong pasasalamat sa Duffer Brothers sa pagtitiwala sa kanya noong nagsisimula pa lamang siya sa industriya. Ayon kay Millie, ang show ang nagbigay sa kanya ng napakaraming oportunidad, pero ang pinakaimportanteng regalo raw nito ay ang kuwento ni Eleven—ang batang may telekinetic powers na nagdala sa kanya sa rurok ng kasikatan at nagbukas ng pinto sa mga major film franchise tulad ng Godzilla at Enola Holmes.

Simula nang ipalabas ang Stranger Things, naging global phenomenon ito at nagpasikat hindi lang kay Millie kundi sa buong core cast na sina Finn Wolfhard, Gaten Matarazzo at Caleb McLaughlin. Habang nagpapaalam ang cast sa kanilang huling laban sa Upside Down, todo saya naman ang Pinoy fans nang ilunsad sa Poblacion ang limang immersive Stranger Things activations—Byers House, The Mothergate, Starcourt Mall, Munson Trailer at Vecna’s Mind Lair—na dinumog ng mga gustong maranasan ang mundo ng Hawkins sa totoong buhay.

Samantala, inanunsyo rin ng Netflix ang release schedule ng final season: streaming na ang Episodes 1 to 4, susunod ang Episodes 5 to 7 sa December 25, at ang grand finale na Episode 8 ay mapapanood sa December 31. Sa kanyang mensaheng “See you on the right side up,” tila opisyal nang isinara ni Millie Bobby Brown ang isang makasaysayang kabanata—isang ending na parehong masakit at makabuluhan para sa milyong tagahanga ng Stranger Things.

Larawan: Screen grab from Stranger's Thing