BGYO, itinanggi ang ‘racist captions’ kina Gelo at JL: 'Edited and falsified!'
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-12-08 21:54:40
Disyembre 8, 2025 – Naglabas ng matapang na pahayag ang P-pop boy group na BGYO matapos kumalat online ang mga litrato nina Gelo at JL kasama ang international star na si Tyla, na may kalakip umanong “racist captions.”
Ayon sa grupo, pawang peke at gawang-edit ang mga larawan na ipinapakalat ngayon sa social media.
“Please be informed that the photos circulating online featuring Gelo and JL with Tyla are edited and falsified,” mariing pahayag ng BGYO sa kanilang official social media post nitong Linggo, December 7.
Dagdag pa nila, wala silang alam sa mga caption na nakalakip sa naturang mga litrato.
“The captions attached to these images were not created, or approved by the artists, and they had no knowledge of these captions.”
May babala sa nagpapakalat. Hindi na rin nagpaligoy-ligoy ang grupo sa pagpapaalala sa sinumang nasa likod ng pagpapalaganap ng pekeng content. Ayon sa kanila, may kaakibat na parusa at legal consequences ang ganitong klase ng maling impormasyon.
“We strongly warn individuals and pages involved in the creation or dissemination of false content that such actions may be subject to appropriate sanctions under applicable laws and platform policies,” anila.
Pinahahalagahan ang respeto at integridad. Binigyang-diin din ng BGYO na sila at ang kanilang management ay nakatayo sa malinaw na prinsipyo:
“BGYO and the management uphold the values of respect, integrity, and responsible online conduct.”
Kasabay nito, ibinahagi rin nila ang comparison ng “real” at “fake” photos upang ipakita sa fans kung alin ang totoong kuha at alin ang na-manipulate.
Humihingi ng tulong para mahanap ang gumawa. Sa huli, nanawagan ang grupo na tulungan silang matukoy ang tao o grupong nasa likod ng pag-edit at pagkalat ng maling impormasyon, lalo’t nakakasira ito hindi lang sa imahe ng artists kundi sa relasyon nila sa fans at sa mga kapwa international performers.
Larawan: Bgyo_ph/FB
