2025 baby boom! Mga bituin na nagbahagi ng pregnancy news ngayong taon
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-12-31 17:32:02
Talagang puno ng kilig at bagong simula ang 2025 sa mundo ng showbiz! Mula sa tahimik na anunsiyo hanggang sa bonggang social media reveals, ilang Kapamilya at international stars ang nagbahagi ng masayang balita—may paparating na baby! Heto ang mga celebrity parents-to-be na nagpasaya sa fans ngayong taon:
Bea Borres, Ibinunyag ng social media star ang kanyang first pregnancy sa isang vlog noong Agosto. Pinangalanan ang baby na Victoria Hope, at naging bukas din si Bea tungkol sa kanyang high-risk pregnancy—pinili niyang manatiling positibo at gawing sandalan ang vlogging.
Pat Sugui & Aeriel Garcia, Isang anibersaryo na mas lalong naging espesyal! Inanunsiyo ng mag-asawa na baby #2 na ang paparating, kasabay ng isang touching video ng kanilang pregnancy journey.
Samantha Bernardo & Scott Moore, Masaya ang beauty queen sa bagong chapter ng buhay—baby boy ang inaasahan ng mag-asawa, na ibinahagi nila nitong Disyembre.
Loisa Andalio & Ronnie Alonte, Matapos ang surprise wedding, sinorpresa naman ang fans sa Christmas Day reveal: first baby na tinawag nilang “miracle” ang paparating.
Joyce Pring & Juancho Trivino, Sa isang nakakatawa pero heartfelt skit, inanunsiyo ng couple ang kanilang third pregnancy. Inaasahang isisilang ang baby sa unang bahagi ng susunod na taon.
Gian Magdangal & Lara Maigue, Bagong kasal, bagong biyaya! Ibinahagi ng music and theater artists na first child na ang susunod na kabanata ng kanilang love story.
Whamos Cruz & Antonette Gail Del Rosario, Sa vlog at gender reveal, inanunsiyo ng content creators ang baby #2—baby boy ang darating para sa kanilang growing family.
Charlie Puth & Brooke Sansone, Creative ang reveal! Sa music video ng kantang “Changes”, ipinakita ang baby bump ni Brooke—first child ng mag-asawa.
Carly Rae Jepsen & Cole Greif-Neill, Ilang linggo matapos ang kasal, inanunsiyo rin ang first baby ng Call Me Maybe singer.
Jo Bo-Ah, Kinumpirma ng kanyang management ang first pregnancy ng K-drama star, na ikinasal noong 2024.
Rebel Wilson & Ramona Agruma, Mas lumalaki ang kanilang pamilya—second baby na ang inaasahan ng mag-asawa, ibinahagi sa isang sweet Instagram post.
Hailee Steinfeld & Josh Allen
Sa Beau Society newsletter, inanunsiyo ni Hailee ang first baby nila—isa sa pinaka-heartfelt reveals ng taon.
2025 ang taon ng love, gratitude, at bagong simula. Sa dami ng baby announcements, malinaw na mas lalo pang magiging masaya ang 2026 para sa mga pamilyang ito—and fans can’t wait!
