PNP-CSG: Listahan ng mga Ipinagbabawal na Paputok at Pyrotechnic Devices
Systems Administrator  Ipinost noong 2024-12-17 18:57:27 
            	Upang matiyak ang ligtas na pagsalubong sa Bagong Taon, nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) – Civil Security Group ng listahan ng mga ipinagbabawal na paputok at iba pang pyrotechnic devices. Ito ay alinsunod sa Executive Order (EO) No. 28 at Republic Act (RA) 7183, na naglalayong maiwasan ang aksidente at maprotektahan ang publiko mula sa mga delikadong paputok.
Ang mga sumusunod ay ipinagbabawal bilhin at ipagbili:
- 
Watusi 
- 
Piccolo 
- 
Poppop 
- 
Five Star (Big) 
- 
Pla-Pla 
- 
Lolo Thunder 
- 
Giant Bawang 
- 
Giant Whistle Bomb 
- 
Atomic Bomb 
- 
Atomic Triangle 
- 
Large-size Judas Belt 
- 
Goodbye Delima 
- 
Hello Columbia 
- 
Goodbye Napoles 
- 
Super Yolanda 
- 
Mother Rockets 
- 
Kwiton 
- 
Super Lolo 
- 
Goodbye Bading 
- 
Goodbye Philippines 
- 
Bin Laden 
- 
Coke-in-Can 
- 
Pillbox 
- 
Kabasi 
- 
Special 
- 
Kingkong 
- 
Tuna 
- 
Goodbye Chismosa 
Pinaalalahanan din ng PNP-CSG ang publiko na bumili lamang ng mga certified Philippine Standard (PS) fireworks at firecrackers mula sa mga rehistrado at lehitimong retailers at dealers. Sa ganitong paraan, masisiguro ang kaligtasan ng lahat at maiiwasan ang mga aksidente na dulot ng mga delikado at ipinagbabawal na produkto.
Sa pagsunod sa batas, masisiguro ang ang ligtas at masayang pagsalubong sa taong 2025 kasama ang pamilya.
