Diskurso PH
Translate the website into your language:

DOH, na-alarma sa pagdami ng gumagamit ng sigarilyo, vape

Rose Anne Grace Dela CruzIpinost noong 2025-04-05 12:56:50 DOH, na-alarma sa pagdami ng gumagamit ng sigarilyo, vape

Abril 5, 2025 -- Nananatiling critical public health challenge sa Pilipinas ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga gumagamit ng tobacco products katulad ng sigarilyo at vape.

Sa isang pahayag na sinabi ng Department of Health (DOH), nakakaalarma ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga gumagamit ng mga produktong ito. Ayon sa 2023 National Nutrition Survey, mula sa 19% noong 2021, 24.4% na ang gumagamit ng sigarilyo at vape sa mga edad 20 hanggang 59.

Ayon sa kagawaran, ang paggamit ng tobacco products ang isa sa major risk factor para sa pagkakaroon ng mga cardiovascular at respiratory diseases na maari pang ikamatay ng mga ito.

“Tobacco use is a major risk factor for cardiovascular and respiratory diseases. Tobacco use, contributes to certain eye disorders and immune system problems like rheumatoid arthritis. Vapes and vapor products pose significant health risks including e-cigarette or vapor product associated lung injury (EVALI), nicotine addiction, and respiratory and cardiovascular diseases, among others,” ani ng DOH.

Banta rin sa kalusugan ang second-hand smoke na maari ring magdulot ng stroke, cancer at iba pang sakit.

Dahil dito, hinihikayat ng DOH ang publiko sa mga gumagamit pa rin hanggang ngayon ng mga produktong ito at tigilan na at humingi ng suporta sa kanilang quitline na 1558 para sa smoking cessation services.

Nilinaw din ng kagawaran ang posisyon nito laban sa mga pakikipagpartner sa mga Negosyo o kahit sino sa tobacco industry.

“The DOH continues to refuse and reject all proposed donations by the tobacco industry, whether to its officials or the agency or its units,” it added.

Matatandaan na umani ng batikos si Health Secretary Ted Herbosa matapos makita ito sa larawan kasama ang mga malalaking tao sa industriya ng isang tobacco company.