Diskurso PH
Translate the website into your language:

LONG WEEKEND ALERT! Narito ang Mga Bakasyon na Aabangan sa Agosto 2025

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-08-01 15:36:47 LONG WEEKEND ALERT! Narito ang Mga Bakasyon na Aabangan sa Agosto 2025

Handa na ba ang inyong mga lakad? Magandang balita dahil may inaabangang long weekend ngayong Agosto 2025!

Sa ilalim ng Proclamation No. 368 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., idineklara ang mga regular at special non-working holidays sa buong taon — at isa sa mga ito ay magdudulot ng mahabang bakasyon ngayong buwan.

August 21 (Thursday) — Ninoy Aquino Day

Special (Non-Working) Holiday

Ginugunita tuwing ika-21 ng Agosto ang pagkamatay ni dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr., isang mahalagang pigura sa kasaysayan ng demokrasya ng bansa.

 August 25 (Monday) — National Heroes Day

Regular Holiday

Ipinagdiriwang tuwing huling Lunes ng Agosto ang National Heroes Day bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga Pilipinong lumaban para sa kalayaan ng bansa.

 Puwedeng Mag-Leave ng Friday!

Dahil sa pagkakasunod ng holidays sa August 21 (Huwebes) at August 25 (Lunes), marami ang nagbabalak na mag-file ng leave sa August 22 (Biyernes). Kung gagawin mo ito, magkakaroon ka ng:

5-Day Long Weekend

 August 21 (Thu) — Holiday

 August 22 (Fri) — (Mag-leave)

 August 23–24 (Sat–Sun) — Weekend

 August 25 (Mon) — Holiday

Perfect ito para sa mga out-of-town trips, staycation, family bonding, o kahit simpleng pahinga lang sa bahay.

#BBD0E0 » 5 the editor