Diskurso PH
Translate the website into your language:

Kiko, papalitan si Robin bilang chair ng komite sa charter change

Marijo Farah A. BenitezIpinost noong 2025-08-13 08:26:20 Kiko, papalitan si Robin bilang chair ng komite sa charter change

AGOSTO 13, 2025 — Hinirang si Sen. Francis "Kiko" Pangilinan bilang bagong tagapangulo ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Code sa 20th Congress. Siya ang pumalit kay Sen. Robinhood Padilla.

"I accept this responsibility with humility and a firm resolve to safeguard the democratic ideals enshrined in our Constitution," pahayag ni Pangilinan.

(Tinatanggap ko ang responsibilidad na ito nang may pagpapakumbaba at determinasyong protektahan ang mga demokratikong prinsipyo ng ating Saligang Batas.)

Una nang inanunsyo na si Padilla ay na mananatili sa komite, ngunit maaari raw itong ilipat sa Committee on Ethics, ayon kay Sen. Joel Villanueva.

Nangako si Pangilinan ng malawakang konsultasyon sa mga eksperto, lokal na opisyal, at publiko para pag-usapan ang anumang pagbabago sa Konstitusyon. 

"The Constitution belongs to the people, and any move to change it must be anchored on their aspirations and welfare. It must also undergo a thorough, principled, and participatory process,"

(Ang Saligang Batas ay pag-aari ng taumbayan, at anumang pagbabago dito ay dapat nakabatay sa kanilang mga pangarap at kapakanan. Dapat din itong dumaan sa isang masusing, makatuwid, at makabuluhang proseso na may pakikilahok ng lahat.)

Noong nakaraang termino, siya rin ang namuno sa naturang komite.

Bukas naman si Senate Minority Leader Vicente "Tito" Sotto III sa pag-amyenda sa Konstitusyon kung mananatili ang desisyon ng Supreme Court na "unconstitutional" ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Pero binatikos ni Senate President Francis "Chiz" Escudero ang posisyon ni Sotto, na sinabing sumasang-ayon ito sa layunin ng House of Representatives para sa charter change.

Ini-archive ng Senado, sa botong 19-4 (1 abstain), ang impeachment case matapos ang desisyon ng Korte Suprema. Tumutol si Pangilinan, na nagnais hintayin ang final ruling.

Noong 2023, umusbong ang kontrobersyal na People’s Initiative para amyendahan ang Konstitusyon. Suportado rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbabago sa economic provisions, bagamat may mga kritikong nagsabing makikinabang lang rito ang mga dayuhang negosyo imbes na ang mga Filipino.

(Larawan: Kiko Pangilinan)