Diskurso PH
Translate the website into your language:

Bawal mag-inom, bawal mag-ingay! Mahihigpit na regulasyon sa Maynila, ipatutupad habang nagaganap ang 2025 Bar Exams

Marijo Farah A. BenitezIpinost noong 2025-08-17 19:40:40 Bawal mag-inom, bawal mag-ingay! Mahihigpit na regulasyon sa Maynila, ipatutupad habang nagaganap ang 2025 Bar Exams

AGOSTO 17, 2025 — Magsasagawa ng mahigpit na liquor ban at noise control ang Maynila sa darating na Bar Examinations sa Setyembre 2025. Ayon sa Executive Order 41 ni Mayor Isko Moreno, ipagbabawal ang pag-inom at pagbebenta ng alak malapit sa San Beda University at University of Santo Tomas (UST) upang matiyak ang tahimik at maayos na kapaligiran para sa mga kukuha ng bar.

Mga petsa ng liquor ban:

  • Setyembre 6 (12 a.m.) hanggang Setyembre 7 (10 p.m.)
  • Setyembre 9 (12 a.m.) hanggang Setyembre 10 (10 p.m.)
  • Setyembre 13 (12 a.m.) hanggang Setyembre 14 (10 p.m.)

Kasabay nito, suspendido rin ang operasyon ng mga ambulant vendors na nagbebenta ng alak sa mga sumusunod na araw:

  • Setyembre 6 hanggang 8 (12 a.m.)
  • Setyembre 9 hanggang 12 (12 a.m.)
  • Setyembre 12 hanggang 16 (12 a.m.)

Ipinagbabawal din ang:

  • Videoke, karaoke, at malalakas na sound system
  • Political rallies at demonstrations (maliban kung may kinalaman sa bar exams)
  • Parada, salubong, parties, at malalakihang pagtitipon
  • Concerts at iba pang maiingay na aktibidad

Magkakaroon din ng pansamantalang road closures sa mga sumusunod na lugar:

Sa UST:

  • Sarado ang Dapitan Street mula 2:00 a.m. hanggang 7:00 p.m. (Setyembre 7, 10, at 14)
  • Dalawang lane ng España Boulevard (mula Lacson Ave. hanggang P. Noval St.) ay sarado mula 2:00 a.m. hanggang 8:00 a.m., at 3:00 p.m. hanggang 7:00 p.m.

Sa San Beda:

  • Sarado ang Mendiola St. (mula Peace Arch hanggang Concepcion Aguila St.) mula 2:00 a.m. hanggang 7:00 p.m.
  • Bawal ang pedestrian at sasakyan sa Concepcion Aguila St. (maliban sa residente)
  • Ang Legarda St. (eastbound) ay magiging drop-off at pick-up point para sa mga examinees

"All violators shall be dealt with accordingly pursuant to existing laws and ordinances of the City Manila," babala ng Manila City Government.

(Lahat ng lalabag ay papatawan ng nararapat na aksyon alinsunod sa mga umiiral na batas at ordinansa ng Lungsod ng Maynila.)

Ang mga hakbang na ito ay para matiyak ang maayos at tahimik na kapaligiran para sa libu-libong kukuha ng bar exams sa susunod na buwan.

Abangan ang mga susunod pang anunsyo mula sa Lungsod ng Maynila.

(Larawan: Philippine News Agency)