Diskurso PH
Translate the website into your language:

Dahil sa sunod-sunod at patuloy na paglindol, narito ang ilang paalala para sa ating kaligtasan

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-08-20 01:42:56 Dahil sa sunod-sunod at patuloy na paglindol, narito ang ilang paalala para sa ating kaligtasan

MANILA Sa harap ng mga nararanasang paglindol sa iba’t ibang bahagi ng bansa, muling pinaalalahanan ng mga awtoridad at eksperto ang publiko hinggil sa tamang paghahanda at wastong pag-uugali tuwing may pagyanig. Ayon sa mga dalubhasa, ang pagiging handa at kalmado ay susi upang maiwasan ang pinsala at mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.

Narito ang ilang safety measures o mga hakbang para sa kaligtasan sa oras ng lindol na inirerekomenda ng mga eksperto:

Bago ang Lindol (Paghahanda)

  1. Maghanda ng Emergency Go Bag – may lamang pagkain, tubig, gamot, flashlight, first aid kit, radyo, at mahahalagang dokumento.

  2. Tiyakin ang katatagan ng bahay – ipasuri ang pader, bubong, at poste upang masigurong matibay laban sa lindol.

  3. Alamin ang evacuation plan – dapat may napagkasunduang ligtas na lugar ang pamilya.

  4. Makilahok sa earthquake drills sa paaralan, opisina, at barangay.

Habang May Lindol

  1. Duck, Cover, and Hold – yuko, takpan ang ulo, at kumapit sa matibay na mesa o lamesa.

  2. Lumayo sa mga bintana, kabinet, at mabibigat na gamit na maaaring bumagsak.

  3. Huwag mag-panic at huwag magtulakan kung nasa pampublikong lugar.

  4. Kung nasa labas, lumayo sa mga gusali, poste, puno, at kable ng kuryente.

  5. Kung nasa loob ng sasakyan, ihinto ito sa ligtas na lugar at manatili sa loob hanggang humupa ang pagyanig.

Pagkatapos ng Lindol

  1. Maghanda sa aftershocks at manatiling alerto.

  2. Lumabas sa ligtas na paraan at pumunta sa open space.

  3. Suriin kung may sugatan at magbigay ng first aid kung kinakailangan.

  4. Iwasan ang paggamit ng elevator sa paglikas.

  5. Makinig sa balita at abiso ng mga otoridad gamit ang radyo o cellphone.

Ang pinakamahalaga: manatiling kalmado, mag-isip ng malinaw, at sundin ang tamang hakbang. (Larawan: Institute of Mathematics, UP Diliman / Google)