Congressman Gardiola, may mansion sa California na tinatayang nagkakahalaga ng ₱300M–₱416M
Ipinost noong 2025-08-27 14:50:06
Manila- Mainit na usapin ngayon ang masusing pagtingin sa ari-arian ni Congressman Edwin Gardiola matapos lumutang ang ulat na siya ay nagmamay-ari ng isang mansyon sa Newport, California na tinatayang nagkakahalaga ng ₱300 milyon hanggang ₱416 milyon. Ang naturang impormasyon ay unang lumabas sa kanyang online biography, kung saan nakasaad na kabilang ito sa personal na pag-aari ng mambabatas.
Ang Kongresita ay kasalukuyang Representative bilang first nominee ng Construction Workers Solidarity (CWS) partylist sa Kongreso. At nakatalagang Komite sa Public Works and Highway. Siya rin ang nagmamay-ari ng JSG Construction,Virkar Realty Corporation at ibat ibang Real Estate.
Sa kainitan ng mga usapin tungkol sa ma anomalyang flood control projects sa buong bansa, ay di maiwasang masali ang kanyang pangalan at yaman sa naglalabasang assets sa publiko at social media.
Bagama’t walang tuwirang paglabag na naitala hinggil sa kanyang pamumuhunan sa ibang bansa, nagbunsod naman ito ng mga tanong mula sa publiko ukol sa pinagmulan ng naturang yaman. Ilan sa mga netizen at tagamasid sa politika ang nagsabi na dapat maging malinaw kung paano naipundar ng isang halal na opisyal ang ganitong kalaking ari-arian, lalo na’t nakapaloob ang kanyang serbisyo sa isang mandatong nakatuon sa pagsisilbi sa mamamayan.
Bilang karagdagan na ayon sa Philippine Center for Investigative Journalism, kabilang ang JSG at sister company, E. Gardiola Construction, sa mga nangungunang contractor ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng dating administrasyon. Nakasungkit ang JSG ng P5.7 bilyon, habang ang E. Gardiola Construction naman ay P2.3 bilyon mula 2000 hanggang 2008.
Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na pahayag mula sa panig ni Congressman Gardiola hinggil sa naturang ulat. Gayunpaman, patuloy na pinag-uusapan ang isyu sa social media, na itinuturing ng marami bilang simbolo ng malalim na agwat sa pagitan ng pamumuhay ng ilang lider at ng karaniwang Pilipino.
Dagdag pa rito, inaasahan na magiging bahagi ng pampublikong diskurso ang mansyon ni Gardiola habang tumitindi ang panawagan para sa transparency at accountability ng mga opisyal ng pamahalaan.
larawan/google
