Maletang naglalaman ng P30M–P40M inihatid sa bahay ni Rep. Co at kay ex-Usec Bernardo
Margret Dianne Fermin Ipinost noong 2025-09-25 10:15:37
MANILA — Lumutang ang mas detalyadong paglalahad hinggil sa umano’y cash deliveries na nagkakahalaga ng milyon-milyong piso sa bahay at tauhan ni Cong. Zaldy “Saldi” Co, gayundin kay dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa flood control corruption.
Sa pagtatanong ng mga senador, inamin ng drive na si Balatbad na minsan siyang nagdala ng maleta sa bahay ni Co sa Valle Verde. “Nung nasama ako doon sa Valle Verde,” aniya, at kinumpirma niyang bahay ito ng kongresista, bagama’t “mga tauhan po ang nandun” ang sumalubong sa kanila. Nilinaw rin na walang resibo o acknowledgment receipt na ibinigay sa tuwing may dalang pera.
Ngunit mas malaki umano ang operasyon na naganap sa Fairview, partikular sa Phoenix Petroleum sa Dalya Street. Ayon sa testigo, “Ang mga maleta din ang dinadala namin. So, hindi lang isang beses… Ang sinasabi niyo sa Valle Verde, isang beses lang nakapagdala doon. Yung ito [sa Fairview], iba po yan.”
Aniya pa, “Sa Phoenix Petroleum, sa Dalya Street, Fairview… 7 beses po. Magkakaiba araw po yan. Sa November, limang beses po. Mayroon pong January at…”
Tinatayang bawat maleta ay may lamang P30 milyon hanggang P40 milyon. “Normally, ang isang maleta ranging from P30 to P40M. Pinakamababa na pagmalet po ang maleta, mga nasa P25. Hindi ko matanda kung may isang maletang malaking na kaya ang P50, pero bihira ang P50.”
Ngunit binigyang-diin ng testigo na hindi lahat ng delivery ay kay Co. “Hindi kay Kong Salde ang delivery na yan. Ang kay Kong Salde puro sa Valle Verde. Ang delivery na yan ang dideliver kay Usec Bernardo,” paliwanag niya.
Idinagdag pa niya na si Carlo, chief of staff ng proponent, ang nag-uutos at kumokontak para sa transaksyon. “Basta ang number lang po kukontakin nilang po ni Ing Carlo na binigay po sa akin, binigay ko sa kanya. Yan ang mag-prepare at utos na po si Carlo ang nag-anong sa inyo.”
Dagdag pa ng testigo, minsan ay sila mismo ang nagdadala, ngunit kung minsan ay ang ibang driver na lamang ang gumagawa ng delivery. “Minsan kasama ako, minsan sila nalang po dahil alam nila. Doon po sa akin Usec Bernardo, ito ang lugar na yan. Kasi putol-putol yan, hindi naman biglaan. Actually, nagpapapicture pa sila pero di ko kilala ang tao. Yan lang ang pinadala doon.”
Patuloy na pinag-aaralan ng komite ang testimonya, kabilang ang mga slide na iprinisenta na nag-uugnay sa mga lugar at bahay na tinukoy ng mga saksi bilang venue ng maletang may lamang milyun-milyong pisong kickback.