Diskurso PH
Translate the website into your language:

Kalahating milyon natangay ng holdaper sa isang money changer, gamit ang laruang baril sa Tomas Morato

Ana Linda C. RosasIpinost noong 2025-10-08 22:09:09 Kalahating milyon natangay ng holdaper sa isang money changer, gamit ang laruang baril sa Tomas Morato

Quezon City,  — Isang lalaki ang nang holdap gamit ang laruang baril sa isang money changer sa kahabaan ng Tomas Morato Avenue, Barangay South Triangle, Quezon City, at tumakas tangay ang humigit-kumulang ₱500,000. 

 Ang suspek, na kinilalang si alyas “Galo”, 25 taong gulang, ay nahuli sa isang hot pursuit operation ng Quezon City Police District (QCPD) noong Oktubre 6, 2025, bandang 11:40 ng madaling araw sa Bali Oasis Condominium Phase 1, Marcos Highway, Barangay Santolan, Pasig City.

Ayon kay Lieutenant Colonel Zachary Capellan, Kamuning Police Station Commander Quezon City , nagsimula ang insidente nang magpanggap ang suspek na magpapalit ng pera. 

Matapos magkasundo sa halaga, lumabas muna ang suspek upang kausapin umano ang isang babae na sinasabing asawa niya. Sa kanyang pagbabalik, inilabas niya ang baril, tinutukan ang teller, at kinuha ang pera na nasa bag.  Agad siyang tumakas sakay ng isang Toyota Corolla.

Nabawi sa suspek ang parte ng ninakaw na pera na aabot sa P400,000 at isang toy gun na ginamit sa krimen.

“So nagkaroon tayo ng mga backtracking, forward tracking. Pagdating ng two days, natunton natin itong sasakyan na ginamit ng suspek dito sa loob ng isang compound ng condominium,” sabi ni Capellan.

Nakabilanggo na sa Kamuning Police Station ang suspek, na tumangging magbigay ng pahayag.

Nagpahayag ang mga awtoridad na patuloy ang kanilang pag-iimbestiga, kabilang ang pagsusuri sa mga video recordings at mga posibleng testigo, upang makumpleto ang kaso laban sa suspek.

larawan/google