Alessandra De Rossi, ibinunyag ang totoong dahilan sa pagtanggi sa love at kissing scenes
Ana Linda C. Rosas Ipinost noong 2025-10-08 23:06:10
Oktubre 08.2025— Ibinunyag ng magaling na actres na si Alessandra de Rossi ang dahilan ng pagtanggi umano nya sa love at kissing scene, ito ay matapang na binahagi sa kaniyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles.
Malalim ang pinanghuhugutan kung bakit ayaw na niyang gumawa ng kissing at love scenes sa pelikula. Ayon sa kanya, bilang isang actress hindi niya nakikita ang pangangailangan ng gumawa ng intimate scenes sa isang pelikula.
Aminado ang actress na merong konting kissing scenes sa latest movie niyang 'Everyone Knows Every Juan.', kayat sa puntong pinagiisapan kung ipapakita o hindi— bilang sya din ang director nitong pelikula, Hindi na kailangan visually ipakita," sabi ni Alex.
Bagama’t gumawa na ng ilang kissing scenes noong nag-uumpisa pa lamang siya sa kaniyang career, edad 16-17 ,sinabi ni Alessandra na nabago na ang kaniyang pananaw ukol dito.
Matapang na nasambit ni Alex kay tito Boy ang dahilan ng kanyang pagbabago ng pananaw ; una nakakadiri siya . number two, kapag nakita mo siya... 'Yung first ko kasi eight shots paikot-ikot so parang I was 16-17 years old, nasaktan ako, na puwede pala mangyari 'yon na hindi mo kontrolado na another shot, another take. Kiss kayo. Ugh, sumasakit ang katawan ko," ani ng award-winning actress.
Dagdag pa niya na mas gusto niyang gumawa ng mga eksena na kayang panoorin ng mga bata. At dahil sa pamantayan niyang ito, nawalan siya ng mga proyekto. At naging madalang ang exposure nya sa pelikula.
Bumida si Alessandra sa 2024 Metro Manila Film Festival Best Picture na "Green Bones." Bumibida rin siya sa Cinemalaya film na "Republika ng Pipolipinas."
Siya rin ang direktor ng inaabangang pelikula na "Everyone Knows Every Juan," na mapanonood sa mga sinehan ngayong Oktubre.
larawan/google