Sinkholes natuklasan sa hilagang Cebu matapos ang malakas na lindol; mga residente nababahala
Ana Linda C. Rosas Ipinost noong 2025-10-04 12:02:37
Cebu, Pilipinas —natuklasan ang isang sinkhole na may lalim na humigit-kumulang 4 metro sa Sitio Mayjo, Barangay Paypay, Daanbantayan. Gayundin sa bayang San Remigio na mayroong 15 bagong sinkholes sa Sitio Maño, Barangay Maño, na idinugtong sa mga matagal nang naitala na higit sa 100 sinkholes sa lugar
Lumitaw ang ilang sinkhole o bumagsak na bahagi ng lupa sa hilagang bahagi ng Cebu matapos ang malakas na lindol noong Setyembre 30, 2025. Apektado nang lubos ang mga bayan ng Daanbantayan, San Remigio, Medellin, at iba pa.
.Hinimay ng Mines and Geosciences Bureau Region 7 (MGB-7) ang mga ulat ng sinkholing at pagbaba ng lupa (land subsidence) sa hilagang Cebu, at naglabas ng subsidence threat advisory para sa mga barangay na may naitala na insidente
Ipinabatid ng MGB-7 na maraming barangay sa Medellin, San Remigio, Tabogon, Daanbantayan, at Bogo City ang kabilang sa mataas ang panganib sa subsidence.
Ipinayo ng MGB-7 na huwag basta-bastang punan o takpan ang mga sinkhole maliban na lang kung aprubado ng mga eksperto, lalo na kung may tubig o kuweba sa ilalim nito
Marami sa mga residente ang naninirahan malapit sa mga nahuling sinkhole ang lubos na nababahala at takot para sa kanilang kaligtasan. Ayon sa isang residente ng Daanbantayan:
“Gabi-gabi na lang sa labas kami natutulog … hindi na kami nananatili sa bahay dahil mapanganib nga po yung sinkhole.”
Dahil sa potensyal na paglaki ng mga crack at posibleng karagdagang pagsuwak ng lupa lalo na tuwing malakas ang ulan, may ilan na ang nagpasya na lumipat pansamantala sa ibang lugar.
Ang lokal na pamahalaan sa Medellin at iba pa ay pinayuhan na agad magsagawa ng mga hakbang pangkaligtasan at paghahanda sa mga komunidad, dahil ang paglitaw ng sinkholes ay maaaring lalo pang lumala dahil sa patuloy na aftershocks at pagbabago sa antas ng tubig sa ilalim ng lupa.
larawan/google