Diskurso PH
Translate the website into your language:

‘It is time to stand firm’ — Dr. Tony Leachon, umapela sa pagbibitiw ni Sen. Lacson bilang Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-07 00:15:50 ‘It is time to stand firm’ — Dr. Tony Leachon, umapela sa pagbibitiw ni Sen. Lacson bilang Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee

MANILA — Kasunod ng pahayag ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson nitong Linggo, Oktubre 5, na handa siyang magbitiw bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na nag-iimbestiga sa umano’y flood control scam, nanawagan si Dr. Tony Leachon, health reform advocate at dating adviser ng Department of Health (DOH), na ipagpatuloy ni Lacson ang kanyang tungkulin.

Sa isang post sa X (dating Twitter), sinabi ni Leachon na normal ang pagkakaiba-iba ng opinyon sa usaping pampulitika:

“People will always differ in opinion, shaped by their affiliations, ideologies, and personal biases. But no leader is perfect, and no reform is painless,” ani Leachon.

Ito ay reaksyon sa panayam ni Lacson sa DZBB kung saan ibinunyag niyang may ilang kasamahan sa Senado ang hindi nasisiyahan sa direksyon ng imbestigasyon, at ilan pa umano ang “nanggugulo.”

Binigyang-diin ni Leachon na ang Blue Ribbon Committee ni Lacson ay “hindi lang isang posisyon, kundi isang plataporma ng pananagutan, reporma, at integridad ng institusyon.” Dagdag pa niya, ang mga batikos na tinatanggap ng komite ay patunay ng kahalagahan ng imbestigasyon para sa sambayanang Pilipino.

Sa huli, pinayuhan ni Leachon si Lacson na manatiling kalmado at magpatuloy sa laban:

“Be calm. Be stoic. Things will be better. Let us stay the course—not for ourselves, but for the country we serve.”

Ang Blue Ribbon Committee ay patuloy na nagsasagawa ng mga pagdinig kaugnay ng mga alegasyon ng korapsyon sa mga proyekto ng flood control sa iba’t ibang bahagi ng bansa. (Larawan: Dr. Tony Leachong / Facebook)