Diskurso PH
Translate the website into your language:

‘Katiyakan ng parusa, hindi snap election ang tunay na solusyon sa pagbabalik ng tiwala sa gobyerno’ — Ping Lacson

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-06 23:56:47 ‘Katiyakan ng parusa, hindi snap election ang tunay na solusyon sa pagbabalik ng tiwala sa gobyerno’ — Ping Lacson

MANILA — Nanindigan si Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na ang katiyakan ng parusa sa mga tiwaling opisyal, at hindi ang pagsasagawa ng snap elections, ang mabisang paraan upang maibalik ang tiwala ng publiko sa gobyerno.

Sa isang pahayag nitong Lunes, binigyang-diin ni Lacson na maaaring magdulot lamang ng mas malalang korapsyon ang halalan—snap man o regular—dahil sa talamak na vote-buying at paggamit ng pondo ng bayan para sa kampanya ng mga kandidato.

“Election, snap or regular, is not the solution. In fact, election campaigns actually add to more corruption – of the electorate by the candidates,” ani Lacson, bilang tugon sa mungkahi ni Sen. Alan Peter Cayetano na magkaroon ng snap election para sa Pangulo, Pangalawang Pangulo, Senado, at Kamara.

Giit ni Lacson, higit na kailangan ang certainty of punishment o ang tiyak na pagpapataw ng parusa sa mga lumalabag sa batas upang mapigilan ang katiwalian.

Ayon sa kanya, ang mabilis at tiyak na paghahatol sa mga tiwaling opisyal ang magsisilbing mabisang panakot at halimbawa upang mapanatili ang katapatan sa serbisyo publiko.

“For a change, how about certainty of punishment of corrupt politicians? The higher, the better,” dagdag ng senador.

Matagal nang isinusulong ni Lacson ang repormang magpapatibay sa rule of law at magpapabilis sa proseso ng imbestigasyon at paghatol sa mga kasong may kinalaman sa korapsyon.

Para kay Lacson, ang katiyakan ng hustisya—hindi bagong halalan—ang tunay na magpapanumbalik ng tiwala ng mamamayan sa pamahalaan. (Larawan: Ping Lacson / Facebook)