‘Sana all!’ Lalaki nagnakaw ng motor para ’di mapagod maglakad ang nobya
Margret Dianne Fermin Ipinost noong 2025-10-30 07:43:14
DAVAO CITY — Nauwi sa pagnanakaw ng motorsiklo ang matinding kagustuhan ng isang lalaki na hindi mapagod ang kanyang girlfriend sa paglalakad, ayon sa pulisya matapos maaresto ang suspek at makuha ang sasakyan na tatlong araw nilang ginamit.
Ayon sa girlfriend, pagod na raw siya sa paglalakad kaya gumawa ng paraan ang kanyang boyfriend. Sinabi niya, “Pagod na kasi ako lumakad kaya nagawa siya ng paraan. Sabi ko naman sa kanya, huwag kang kumuha ng hindi naman sa iyo.”
Kasama ng suspek ang kaibigan niyang si Romy na nakatakas at ngayon ay pinaghahanap ng mga awtoridad.
Nakuha umano ang motor noong Lunes ng gabi at nang tanungin ang suspek kung first time ba niya itong magawa, sagot niya, “First time ko ngayon, Sir.” Tatlong araw nilang nagamit ang motor bago sila maaresto.
Nang tanungin siya kung talaga bang pag-ibig ang dahilan ng krimen, pabirong sinabi ng imbestigador, “Ito talagang patunay na gagawin ang lahat dahil sa iniibig. Ikaw ang reason kung bakit siya kumuha ng motor,” at mabilis namang sagot ng lalaki, “Sana all.”
Napansin ng mga pulis na parang kinikilig ang suspek. Sinabi nila, “Parang kinikilig ka dito sa relasyon,” at sagot niya, “Naranas ko rin yan… hindi yung pagkuha ng motor ha, yung paghanap ng paraan.”
Sa huli, nagbigay pa siya ng maikling mensahe, “Ang masasabi ko, ang pagmamahalan, patuloy yan. Ang pagkuha ng motor, hindi.”
Kasalukuyang nakadetine ang suspek at nahaharap sa kasong vehicle theft habang patuloy ang paghahanap kay Romy.
