Diskurso PH
Translate the website into your language:

Jollibee manager pinutakte ng batikos matapos pagbilangin ng tiles ang bagong crew

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-11-03 08:19:25 Jollibee manager pinutakte ng batikos matapos pagbilangin ng tiles ang bagong crew

QUEZON CITY — Umani ng batikos sa social media ang isang branch manager ng Jollibee matapos nitong pagbilangin ng tiles ang isang crew member bilang bahagi ng unang inventory experience nito sa fastfood chain.

Ang insidente ay unang ibinahagi sa YouTube channel na Deejimon TV, kung saan makikita ang crew na tila nagbibilang ng floor tiles sa loob ng branch. Ayon sa caption ng video, “Jollibee Manager, pinagbilang ng tiles ang crew na first time mag inventory.” Bagama’t hindi malinaw kung ito ay bahagi ng aktwal na inventory procedure o isang biro, maraming netizen ang nagpahayag ng pagkadismaya sa umano’y “pagpapahiya” sa bagong empleyado.

Sa comment section ng video, ilang dating crew ng fastfood chains ang nagsabing hindi bahagi ng standard inventory protocol ang pagbibilang ng tiles. Isa sa kanila ay nagkomento, “Inventory is about counting stocks, not flooring. This is just plain hazing.”

Wala pang opisyal na pahayag ang Jollibee Foods Corporation (JFC) ukol sa insidente, ngunit ayon sa kanilang Help Center, ang kumpanya ay may strict guidelines on employee training and workplace conduct, at “values respect, professionalism, and integrity in all branches.”

Samantala, ilang netizen ang nagtanggol sa manager, sinasabing maaaring training exercise ito para sa attention to detail o team-building activity. Gayunpaman, nananatiling hati ang opinyon ng publiko.

Ang insidente ay muling nagbukas ng diskusyon ukol sa employee treatment sa food service industry, lalo na sa mga bagong crew na kadalasang kabataan at first-time workers. Ilang labor advocates ang nanawagan sa JFC na imbestigahan ang insidente at tiyaking walang abusive practices sa kanilang mga sangay.