Bagyong ‘Uwan,’ ganap nang super typhoon; signal no. 5, itinaas na sa Catanduanes, iba pang bahagi ng Luzon
Marijo Farah A. Benitez Ipinost noong 2025-11-09 11:49:57
NOBYEMBRE 9, 2025 — Nagbabanta ang Super Typhoon Uwan (Fung-Wong) sa malaking bahagi ng Luzon matapos itong lumakas pa at magdala ng mapaminsalang hangin, matinding ulan, at nakamamatay na storm surge. Alas-5 ng umaga, namataan ang mata ng bagyo sa layong 125 kilometro silangan-hilagang silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 185 kph at bugso na umaabot sa 230 kph. Ayon sa PAGASA, umaabot sa 800 kilometro ang saklaw ng malalakas na hangin mula sa sentro ng bagyo.
Eto ang mga lugar na nasa ilalim ng babala:
Signal No. 5 – matinding panganib sa buhay at ari-arian (hangin na 185 kph pataas):
- Catanduanes
- Polillo Islands
- Hilagang Camarines Norte: Daet, Talisay, Paracale, Vinzons, Jose Panganiban, Mercedes, Basud
- Silangang Camarines Sur: Siruma, Caramoan, Garchitorena, Tinambac, Lagonoy
Signal No. 4 – malubhang banta (hangin mula 118–184 kph):
- Silangang Quezon: Tagkawayan, Calauag, Guinayangan, Perez, Alabat, Quezon
- Natitirang bahagi ng Camarines Norte at Camarines Sur
- Silangang Albay: Rapu-Rapu, Bacacay, Tabaco City, Malilipot, Malinao, Tiwi, Polangui
Signal No. 3 – panganib ng storm-force winds (89–117 kph):
- Metro Manila
- Aurora, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Bataan, Zambales
- Cavite, Batangas, Rizal, Laguna, Marinduque
- Natitirang bahagi ng Quezon, Albay, Sorsogon, Ticao at Burias Islands
- Hilagang bahagi ng Samar, Eastern Samar, Northern Samar
- Hilagang bahagi ng Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan
Signal No. 2 – panganib ng gale-force winds (62–88 kph):
- Ilocos Norte, Babuyan Islands, Occidental at Oriental Mindoro, Romblon
- Natitirang bahagi ng Masbate
- Biliran, natitirang bahagi ng Samar at Eastern Samar
- Hilaga at gitnang Leyte: Tacloban City, Ormoc City, Palo, Tanauan, Carigara, at iba pa
Signal No. 1 – panganib ng malalakas na hangin (39–61 kph):
- Batanes, Calamian Islands, Cuyo Islands
- Southern Leyte, Bohol
- Hilaga at gitnang bahagi ng Cebu: Cebu City, Mandaue, Lapu-Lapu, Toledo, Carcar, Naga, at iba pa
- Hilaga at gitnang bahagi ng Negros Occidental at Negros Oriental
- Guimaras, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique
- Dinagat Islands, Surigao del Norte, hilagang Agusan del Norte, hilagang Surigao del Sur
Babala sa ulan, landslide, at pagbaha
Nagbabala din ang PAGASA sa matinding pag-ulan sa mga apektadong lugar, lalo na sa mabababang lugar at bulubundukin. Inaasahan ang malalakas na bugso ng hangin kahit sa mga lugar na wala sa ilalim ng wind signal:
- Nobyembre 9: Palawan, Visayas, Mindanao
- Nobyembre 10: Karamihan sa Luzon at Visayas
- Nobyembre 11: Karamihan sa Luzon
Storm surge at kondisyon ng dagat
Nagbabala naman ang ahensya sa storm surge na maaaring lumampas sa 3 metro sa mga baybaying dagat sa loob ng 48 oras. Mataas ang panganib sa mga sumusunod na lugar:
- Cagayan, Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan
- Aurora, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila
- Cavite, Batangas, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes
- Albay, Sorsogon, Northern Samar, Eastern Samar
- Dinagat Islands, Siargao, Bucas Grande Islands
Sukat ng alon sa mga baybayin:
- Hanggang 14 metro: Camarines Sur (hilaga at silangan), Polillo Islands, Camarines Norte (hilaga), Catanduanes, Aurora, Isabela
- Hanggang 12 metro: Silangang Cagayan, Albay, Sorsogon, Northern Samar (hilaga at silangan), Eastern Samar (hilagang-silangan)
- Hanggang 10 metro: La Union, hilagang Pangasinan
- Hanggang 9 metro: Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, hilagang Quezon, Eastern Samar
- Hanggang 8 metro: Zambales
- Hanggang 6 metro: Quezon (silangan), Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Northern Samar, Dinagat Islands, Siargao, Bucas Grande
- Hanggang 5 metro: Surigao del Sur (hilagang-silangan), Bataan (kanluran)
- Hanggang 4.5 metro: Marinduque, Romblon, Masbate, Capiz, Iloilo (hilaga), Samar, Biliran, Southern Leyte, Surigao del Sur, Leyte (hilaga at silangan), Cebu (hilaga), Eastern Samar, Davao Oriental
- Hanggang 4 metro: Lubang Island, Aklan, Batangas (kanluran), Leyte, Occidental Mindoro, Calamian Islands, Palawan (hilaga)
- Hanggang 3.5 metro: Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Occidental Mindoro (hilaga), Oriental Mindoro, Negros Occidental, Cebu (hilagang-kanluran), Bohol, Bataan, Batangas
- Hanggang 3 metro: Northern Mindanao, Siquijor, Zamboanga del Norte, Agusan del Norte, Palawan (kanluran), Negros Occidental (timog), Negros Oriental, Bohol
- Hanggang 2.5 metro: Natitirang baybayin ng MIMAROPA at Visayas
- Hanggang 2 metro: Natitirang baybayin ng Mindanao
Mariing paalala ng PAGASA: “Sea travel is extremely risky for all types of vessels.”
(Lubhang mapanganib ang paglalayag para sa lahat ng uri ng sasakyang pandagat.)
Galaw ng bagyo
Ayon sa PAGASA, posibleng dumaan si Uwan malapit sa Catanduanes ngayong umaga, at mag-landfall sa Aurora ngayong gabi o bukas ng madaling araw. Kahit malayo sa landfall, posibleng makaranas ng malalakas na ulan, hangin, at storm surge.
Inaasahang tatawid ito sa kabundukan ng Northern Luzon, bahagyang hihina ngunit mananatiling malakas. Posibleng umabot ito sa Lingayen Gulf o Pangasinan sa Lunes ng umaga, bago tuluyang lumabas ng Philippine Area of Responsibility sa Martes.
Maaaring muling pumasok si Uwan sa hilagang-kanlurang bahagi ng PAR sa Huwebes habang dumadaan sa Taiwan, at tuluyang lumabas sa Biyernes ng umaga.
(Larawan: DOST-PAGASA | Facebook)
