Diskurso PH
Translate the website into your language:

Tingnan: Gov. Baricuatro, nagbigay ng ₱????-milyon tulong sa Toledo City

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-11-11 23:50:03 Tingnan: Gov. Baricuatro, nagbigay ng ₱????-milyon tulong sa Toledo City

TOLEDO CITY, CEBU — Personal na binisita ni Cebu Governor Pamela S. Baricuatro ang Toledo City nitong Nobyembre 11 upang iabot ang ₱2 milyong tulong-pinansyal para sa rehabilitasyon ng lungsod matapos ang pananalasa ng Bagyong Tino.

Kasama ni Gov. Baricuatro si Provincial Administrator Atty. Ace Durano sa kanyang inspeksyon sa mga naapektuhang lugar sa Midwestern Cebu. Bukod sa cash assistance, nagbigay rin ang pamahalaang panlalawigan ng family food packs, bottled water, at hygiene kits para sa mga residenteng nawalan ng tirahan.

Pinuntahan din ng gobernadora ang Barangay Subayon, isa sa mga pinakamatinding tinamaan ng landslide at pagbaha dulot ng bagyo. Sa nasabing pagbisita, nangako siyang magpapadala ng heavy equipment upang mapabilis ang clearing operations at rehabilitasyon ng mga kalsada.

Nagpasalamat naman si Toledo City Mayor Marjorie “Joie” Perales, kasama sina Vice Mayor Jay Sigue at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, sa ipinakitang malasakit ng gobernadora.

“Malaking tulong ito para sa aming mga kababayan sa Toledo na patuloy na bumabangon,” ani Mayor Perales sa kanyang social media post. (Larawan: Contributed Photo, The World Tonight / Facebook)