Tingnan: Typhoon Uwan, nag-iwan ng malaking pinsala sa ilang lugar sa Quezon Province
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-11-11 00:32:47
QUEZON PROVINCE — Matapos hagupitin ng Super Typhoon Uwan ang ilang bahagi ng lalawigan ng Quezon Province, makikita sa mga kuhang larawan at ulat mula sa ground teams, malaki ang pinsalang naitala sa kalsada, bahay, at iba pang ari-arian.
Maraming pangunahing kalsada ang hindi madaanan dahil sa mga natumbang puno at debris na dala ng matinding hangin at ulan. Ilang barangay ang nawalan ng kuryente at komunikasyon, habang patuloy ang mga lokal na opisyal sa pagbibigay ng babala at koordinasyon sa mga evacuation center.
Pinayuhan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang publiko na manatili sa ligtas na lugar, iwasan ang paglabas sa baha at landslide-prone areas, at sundin ang mga paalala ng lokal na pamahalaan.
Patuloy ang monitoring ng mga awtoridad sa lagay ng panahon at pinsalang idinulot ng Uwan upang mabilis na makapagbigay ng agarang tulong sa mga nasalanta. (Larawan: Lost Juan / Facebook)
