Diskurso PH
Translate the website into your language:

Is Juan Ponce Enrile dead? Anak nilinaw na nasa ICU pa ang ama

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-11-12 08:40:00 Is Juan Ponce Enrile dead? Anak nilinaw na nasa ICU pa ang ama

Nobyembre 11, 2025 - Nasa kritikal na kalagayan si Juan Ponce Enrile, dating Senate President at kasalukuyang Chief Presidential Legal Counsel, matapos ma-admit sa intensive care unit (ICU) ng isang hindi pinangalanang ospital dahil sa pneumonia.

Kinumpirma ng kanyang anak na si Katrina Enrile ang kondisyon ng 101-taong gulang na opisyal sa isang mensahe sa GMA Integrated News. “Dad is in the ICU pa po. He isn’t doing too good,” ani Katrina, na nagbigay ng direktang update sa kalagayan ng kanyang ama.

Ang balita ay unang isinapubliko ni Senador Jinggoy Estrada sa isang plenary session ng Senado noong Martes, Nobyembre 11. Ayon kay Estrada, nakatanggap siya ng impormasyon mula sa isang “very reliable source” ukol sa kalagayan ni Enrile. 

“Mr. President, I have just received a very, very sad information that our former colleague, former Senate President Juan Ponce Enrile, is currently in the intensive care unit of an undisclosed hospital suffering from pneumonia. And I heard from a reliable source, a very, very reliable source, that he has slim chances of surviving,” pahayag ni Estrada sa harap ng mga kapwa senador.

Si Enrile ay isa sa pinakamatagal na nagsilbi sa gobyerno ng Pilipinas, na naging bahagi ng mga administrasyon mula pa noong panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Hanggang sa kasalukuyan, siya ay nagsisilbing legal counsel ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa edad na 101.

Ayon sa mga ulat, nananatiling “guarded” ang kondisyon ni Enrile habang patuloy ang pagbabantay ng mga doktor sa kanyang kalagayan. Wala pang opisyal na pahayag mula sa Malacañang ukol sa kanyang sitwasyon, ngunit inaasahang maglalabas ng update ang tanggapan ng Pangulo sa mga susunod na araw.

Ang balita ay nagdulot ng pag-aalala sa mga kaalyado at tagasuporta ni Enrile, na kinikilala bilang isa sa mga pinakamatatag na personalidad sa larangan ng politika sa bansa. Sa kabila ng kanyang edad, aktibo pa rin si Enrile sa mga legal na usapin ng gobyerno bago ang kanyang pagkaka-confine sa ICU.

Patuloy ang pagdarasal ng kanyang pamilya at mga kaibigan para sa kanyang paggaling.

Larawan mula Pecabar Law Firm