Diskurso PH
Translate the website into your language:

Kontrobersyal na ‘Philippine looper’, idineklarang ‘persona non grata’ sa Negros Oriental; Nanawagan sa Malacañang?

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-11-12 00:53:41 Kontrobersyal na ‘Philippine looper’, idineklarang ‘persona non grata’ sa Negros Oriental; Nanawagan sa Malacañang?

MANILA, Philippines Naglabas ng matinding reaksyon si Ferdinand Dela Merced, mas kilala bilang Philippine Looper, matapos siyang ideklarang persona non grata ng Sangguniang Panlalawigan ng Negros Oriental.

Sa isang mahabang post sa Facebook, sinabi ni Dela Merced na hindi siya naaapektuhan ng deklarasyon at mas pinili niyang umalis kaysa manatili sa lugar kung saan siya tinawag umanong “palamunin ng bansa.” Ani niya, “No worries, kesa naman tumagal ako sa lugar nila tapos sabihan pa ako ng ‘eto na ang Philippine Blooper na palamunin ng bansa.’”

Ikinuwento rin niya ang umano’y hindi magandang karanasan sa tanggapan ng turismo ng probinsya, kung saan tinanong pa siya ng staff kung sino siya at ano ang layunin niya, sa kabila ng intensyon nitong mag-courtesy call bilang paggalang sa mga opisyal. “Nag-courtesy call lang ako bilang pagbibigay galang sa namumuno sa inyo,” dagdag niya.

Binanggit din ni Dela Merced na nandiyan siya upang tumulong lalo na sa mga naapektuhan ng bagyo sa lugar. Sa huli, ipinahayag niya na ang kanyang public apology ay tila hindi pa rin tinatanggap at nagtapos ang post sa hashtag #OfficeOfThePresident, na nagpapahiwatig ng kanyang panawagan sa Malacañang. (Larawan: Ferdinand Dela Merced / Facebook)