Diskurso PH
Translate the website into your language:

VP Sara Duterte, pinaghanda na umano Abril pa lamang Si Sen. Bato sa posibleng epekto ng kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-11-12 00:41:29 VP Sara Duterte, pinaghanda na umano Abril pa lamang Si Sen. Bato sa posibleng epekto ng kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC

NOBYEMBRE 12, 2025 Inihayag ni Bise Presidente Sara Duterte na sinabihan niya si Senador Ronald “Bato” dela Rosa noong Abril pa lamang na maghanda sa posibleng epekto ng kinakaharap na kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay VP Sara, kinausap niya si Sen. Bato matapos marinig ang “chismis” na mayroong warrant of arrest laban sa senador mula sa ICC. Dagdag pa niya, pinayuhan niya si Dela Rosa na humingi ng payo mula sa international law expert na may karanasan sa ICC upang malaman ang tamang hakbang na dapat gawin. “Meron akong mare-recommend sa kanya na isang British council doon based sa England, international law expert,” ani ng bise presidente ngayong Martes, Nobyembre 11.

Kasabay nito, kasalukuyang nakapiit si Digong sa detention facility ng ICC at nahaharap sa kasong crimes against humanity kaugnay sa naging anti-drug campaign ng kanyang administrasyon.

Ang pahayag ni VP Sara ay nagbukas ng diskusyon sa kahandaan ng mga opisyal sa posibleng legal na kahihinatnan ng kasong kinahaharap ni dating Pangulo Duterte, at kung paano pinapangalagaan ang kanilang karapatan at legal na hakbang sa pandaigdigang korte. (Larawan: Inday Sara Duterte / Facebook)