Finding Sen. Bato: Sen. Bato, umabsent sa senado upang maghanap umano ng spiritual adviser?
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-11-13 22:52:38
MANILA — Usap-usapan ngayong Huwebes, Nobyembre 13, ang ikatlong araw nang hindi pagdalo ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa mga sesyon ng Senado mula nang magbukas ito noong Martes, Nobyembre 11.
Nag-ugat ang intrigang ito matapos lumabas ang mga larawang ipinost ng senador sa Facebook, kung saan makikitang kasama niya si Fr. Cianno Ubod ng Compostela Parish Church, Cebu, na tinukoy niyang kanyang “spiritual adviser.”
“Times like these, we need to seek some guidance from our spiritual adviser. Thank you, Father Ciano,” ayon sa caption ng senador sa kanyang post.
Wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Sen. Dela Rosa hinggil sa dahilan ng kanyang pagliban sa Senado. Gayunman, ilang netizens ang nagbiro online, tinawag ang sitwasyon na “Finding Sen. Bato?”, habang ang iba nama’y nagtanong kung may kaugnayan ito sa mga usapin tungkol sa umano’y warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) na kamakailan ay pinag-usapan sa publiko. (Larawan: Bato Dela Rosa / Facebook)
