Diskurso PH
Translate the website into your language:

Maynard Ngu umano ‘front man’ ni Escudero sa proyekto-for-cut scheme - Bernardo

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-11-14 10:53:54 Maynard Ngu umano ‘front man’ ni Escudero sa proyekto-for-cut scheme - Bernardo

MANILA — Patindi nang patindi ang isyu ng flood control corruption matapos isiwalat ni dating DPWH Undersecretary Roberto R. Bernardo ang umano’y papel ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa hinihinalang kickback scheme, kasama ang aktibong pag-uugnay ng negosyanteng si Maynard Ngu, na kilalang political donor at dating Special Envoy to China.

Sa kanyang testimonya, sinabi ni Bernardo na unang nagkakilala sila ni Maynard Ngu noong 2013 sa Manila City Hall. “Maynard Ngu is a familiar figure in the social-political circles,” aniya, na kadalasang humahawak ng malalaking donasyon tuwing eleksyon, kabilang ang pamamahagi ng mobile phones.

Ayon kay Bernardo, lumapit sa kanya si Ngu noong 2022 national elections upang humingi ng tulong sa pangangalap ng pondo para sa kampanya. “I and other DPWH officials assisted Maynard Ngu in raising campaign funds,” pahayag niya.

Mula rito’y nabuo umano ang tiwala sa pagitan nila, lalo na’t “Maynard Ngu… was actively promoting the interests of Sen. Escudero.” Noong 2023, naitalaga si Ngu bilang Special Envoy to China for Trade, Investments, and Tourism.

PAGHINGI UMANO NI NGU NG PROYEKTO PARA KAY ESCUDERO

Ayon sa affidavit, nang maging Senate President si Chiz Escudero noong 2024, muli siyang nilapitan ni Ngu: “Maynard Ngu approached me and asked for a list of projects for Sen. Chiz Escudero.”

Kasunod nito, noong Nobyembre 2024, inutusan niya si Engineer Opolencia na maghanda ng listahan ng proyekto, na kalauna’y naisumite bilang Annex G.

PAGKOLEKTA UMANO NG KOMITMENT SA IBA’T IBANG LUGAR

Ilang insidente ang inilahad ni Bernardo kung saan naganap umano ang pangongolekta at paghahatid ng pera:

  • Para sa mga proyekto sa Valenzuela

Ayon kay Bernardo, si Engr. Opolencia ang nangolekta sa pamamagitan ni District Engineer Roel Umali at nag-deliver sa Diamond Hotel. Pahayag niya: “Eng. Opolencia told me, ‘Nasa inyo na po, boss.’”
Kinumpirma naman daw ng kanyang driver: “Nasa akin na po. Okay na po.”

  • Para sa mga proyekto sa Marinduque

Muli umanong si Engr. Opolencia, sa tulong ni Regional Director Ryan Altea, ang nag-asikaso ng collection at delivery sa Diamond Hotel.

Ayon kay Bernardo: “Eng. Opolencia called me and said, ‘May papadala ako sa inyo ngayon… dadalhin na lang po sa Diamond.’”

Pagkatapos nito, sinabi ng driver: “Nasa akin na po. Okay na po.”

Kalaunan, matapos siyasatin ang records, nakumpirma ni Bernardo na si Engr. Opolencia rin ang nagbigay ng proyekto para sa Oriental Mindoro at Quezon City.

UMANO’Y HALAGA NG MGA PROYEKTO AT KICKBACK

Sa kabuuan, sinabi ni Bernardo: “The complete list of projects for Sen. Chiz Escudero is worth ₱1.4 billion, with 20% commitment.”

UMANO’Y CASH DELIVERIES SA CHERRY MOBILE BUILDING

Ayon kay Bernardo, noong early 2025, naganap ang unang actual na turnover: “Sometime early 2025, I made the first delivery of ₱160 million for Sen. Chiz Escudero at the Cherry Mobile Building at Maynard Ngu in Pasig Street, Manila.”

Nabanggit niya rin na naganap pa ang ikalawang delivery sa kaparehong panahon, bagama’t hindi pa niya inilahad ang buong detalye sa kasalukuyang testimonyo.

PATULOY ANG PAGDINIG 

Wala pang tugon mula kay Senate President Chiz Escudero o kay Maynard Ngu hinggil sa mabibigat na alegasyong ito.

Samantala, nagpapatuloy ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, na target tukuyin ang kabuuang lawak ng umano’y multi-bilyong pisong kickback operations na kinasasangkutan ng ilang kongresista, senador, DPWH officials, at contractors.