‘Mrs. Patron’ umano nangolekta umano ng kickback ni ex-Senator Grace Poe
Margret Dianne Fermin Ipinost noong 2025-11-14 10:58:38
MANILA — Nadagdag si Sen. Grace Poe sa lumalawak na listahan ng mga opisyal na idinadawit sa umano’y kickback operations sa DPWH, matapos isiwalat ni dating Undersecretary Roberto R. Bernardo na mayroong umano’y 20% commitment na nakolekta para sa mga proyektong inilaan sa senadora sa NEP at GAA ng 2025.
Ayon kay Bernardo, nagsimula ang transaksyon noong 2024 nang lumapit umano ang staff ni Poe na si J.Y. de la Rosa upang iparating na nais ng senadora na magkaroon ng alokasyon sa DPWH National Expenditure Program (NEP).
Sa kanyang salaysay, sinabi ni Bernardo: “J.Y. de la Rosa, a staff of Sen. Grace Poe, requested Sec. Bonoan through me if Sen. Grace Poe can be accommodated in the DPWH NEP.”
Ayon pa sa kanya, sinabi umano ni Secretary Manny Bonoan na mayroong ₱500 milyon na maaaring italaga para kay Poe. “Sec. Bonoan told me there is a ₱500M for Sen. Grace Poe and instructed me to ask the Sen. for a list of projects,” ani Bernardo.
MRS. PATRON, CONTRACTOR UMANONG TAGAPAMAHALA NG TRANSAKSYON
Ipinunto ni Bernardo na iniutos ni de la Rosa na makipag-coordinate siya kay Mrs. Patron, isang contractor na umano’y inatasang mag-asikaso ng mga proyekto ni Poe.
Ayon sa kanyang testimonyo: “J.Y. de la Rosa told me to coordinate the matter with Mrs. Patron… Mrs. Patron told me to prepare the list.”
Sa utos ni Bernardo, naghanda si Engr. Gerardo Opolencia ng consolidated list ng apat na proyekto — isa sa Laguna at tatlo sa NCR — na nakapaloob bilang Annex M ng kanyang affidavit.
Itinuring itong mabilis na sinunod ng DPWH leadership; “the list of projects was included in the NEP… Later on, the said projects appeared in the GAA for 2025.”
20% UMANONG KOMITMENT PARA KAY POE
Pinakamabigat na bahagi ng pahayag ni Bernardo ay ang umano’y koleksyon ng kickback: “There was a 20% commitment collected for Sen. Grace Poe.”
Sinabi niyang si Mrs. Patron umano ang nangolekta ng pera sa Diamond Hotel, mula sa isang aide ni Bernardo. Hindi niya pa mailahad ang eksaktong halaga ngunit batay sa ₱500M allocation, aabot ang 20% sa humigit-kumulang ₱100 milyon.
IBA PANG KONGRESISTA, NADAWIT RIN
Bilang dagdag, sinabi ni Bernardo na siya rin ang nag-facilitate ng ilang proyekto para sa distrito ni Congresswoman Cahayon-Uy at Congresswoman Flerida Robles, bagama’t patuloy pa niyang beripikahin ang eksaktong detalye.
“I submitted projects being proposed… the details of which I am still verifying,” ani niya.
Wala pang pahayag si Sen. Grace Poe, gayundin si Mrs. Patron, kaugnay ng mabibigat na alegasyon.
