Diskurso PH
Translate the website into your language:

Romualdez sa paratang ni Zaldy Co: 'Malinis ang konsensya ko'

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-11-15 19:42:47 Romualdez sa paratang ni Zaldy Co: 'Malinis ang konsensya ko'

MANILA — Mariing itinanggi ni dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez ang mga paratang ni dating Ako-Bicol party-list Rep. Zaldy Co kaugnay ng umano’y P100 bilyong budget insertions sa 2025 national budget, at sinabing malinis ang kanyang konsensya.

Sa isang pahayag, sinabi ni Romualdez, "My conscience remains clear. Throughout this inquiry, no public official, contractor, or witness has pointed to any wrongdoing on my part."

Dagdag pa niya, "I do not wish to comment on the recent statements and allegations made by former Rep. Zaldy Co because these were not made under oath and do not hold water in the court of law."

Ang pahayag ay tugon sa ikalawang bahagi ng video exposé ni Co na inilabas noong Nobyembre 14, kung saan iginiit niyang personal niyang inihatid ang mga maletang may laman umanong salapi sa mga tirahan nina Romualdez at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Forbes Park at Malacañang.

Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos sa isang panayam sa Negros Occidental, "I don’t want to even dignify what he was saying," bilang tugon sa mga akusasyon ni Co.

Nanawagan si Romualdez ng katahimikan sa gitna ng tensyon sa pulitika, at iginiit na ang mga imbestigasyon ay dapat isagawa batay sa mga ebidensyang nasa ilalim ng panunumpa.

Patuloy ang pagtitiwala niya sa Independent Commission on Infrastructure, Department of Justice, at Office of the Ombudsman upang masusing suriin ang mga pahayag at ebidensya.