Diskurso PH
Translate the website into your language:

‘Outright fabrications!’ Revilla, mariing itinanggi ang paratang sa umano’y kickback scheme

Marijo Farah A. BenitezIpinost noong 2025-11-16 16:34:32 ‘Outright fabrications!’ Revilla, mariing itinanggi ang paratang sa umano’y kickback scheme

NOBYEMBRE 16, 2025 — Mariing pinabulaanan ni dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang mga akusasyong ibinato laban sa kanya kaugnay ng umano’y flood control kickback scheme na inilantad ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.

Sa isang pahayag, iginiit ng tagapagsalita ni Revilla na si Atty. Maria Carissa Guinto: “These are outright fabrications intended to malign his reputation and to divert the attention of the public from the real culprits.” 

(Pawang kasinungalingan ang mga ito na layong sirain ang kanyang reputasyon at ilihis ang atensyon ng publiko mula sa tunay na salarin.)

Binatikos ni Guinto ang kredibilidad ni Bernardo, na aniya ay matagal nang lumalabag sa batas. 

“There is an inherent danger in giving credence to the allegations of someone who has long undermined the law. Allowing a perpetrator to recast himself as a truth-teller does not strengthen our justice system; it compromises it,” dagdag pa niya. 

(May likas na panganib sa pagbibigay bigat sa alegasyon ng isang matagal nang sumusuway sa batas. Ang pagbibigay-daan sa isang lumabag na magpanggap bilang tagapagsalita ng katotohanan ay hindi nagpapalakas sa hustisya; bagkus, pinahihina nito.)

Ayon sa kampo ng dating senador, malinaw na ang mga paratang ay bahagi ng pampulitikang paninira. Giit ni Guinto, hindi ito nakagugulat dahil matagal nang target si Revilla ng mga kalaban na may “ill will” laban sa kanya.

Tiniyak ng kampo na haharapin ni Revilla ang usapin sa tamang forum, kung saan ebidensya ang magiging batayan ng katotohanan at hindi publicity. 

“Mr. Revilla is fully prepared to face and disprove the allegations against him. He likewise intends to pursue all available remedies to protect his rights under the law, and to ensure that his name will once again be cleared of all baseless and malicious claims against him,” ani Guinto. 

(Handa si G. Revilla na harapin at pabulaanan ang mga paratang laban sa kanya. Nais din niyang gamitin ang lahat ng legal na paraan upang maprotektahan ang kanyang karapatan at matiyak na muling malilinis ang kanyang pangalan mula sa walang basehan at malisyosong akusasyon.)



(Larawan: Ramon Bong Revilla, Jr. | Facebook)