‘Abogado sa abogado’ — Hamon ni Atty. Rowena Guanzon kay Usec. Claire Castro
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-11-17 23:08:24
MANILA, Philippines — Nagbigay ng matapang na pahayag si dating COA at Comelec Commissioner Atty. Rowena “Rowie” Guanzon matapos mag-viral ang mainit at kontrobersyal na banggaan sa himpapawid nina Usec. Claire Castro at political strategist Malou Tiquia sa isang programa ng TV5.
Sa gitna ng lumalakas na usapin sa social media tungkol sa tono, asal, at pagtaas ng boses ni Usec. Castro on-air, diretsahang naghayag si Guanzon na kung patas at kapantay na sagutan ang hanap, siya raw ang dapat iharap sa opisyal.
Aniya, “Ako ang dapat itapat niyo kay Claire, dapat abogado sa abogado.”
Mariin pa niyang binigyang-diin na kung may diskursong nangangailangan ng legal at propesyonal na antas ng pagtatanggol, handa siyang makipagharapan sa Usec.
Ang pahayag ni Guanzon ay tugon sa naging tensyonadong palitan nina Usec. Castro at Tiquia, kung saan nagkaroon ng matalas na sagutan kaugnay sa isyu kung nasaan si Orly Guteza—isang usaping mabilis na umani ng reaksyon ng publiko dahil sa tila agresibong tono ng opisyal.
Patuloy na pinag-uusapan online ang pangyayari, lalo na’t maraming netizen ang nagtatanong tungkol sa nararapat na asal at propesyonalismo ng mga government official sa live media interviews. Samantala, nanindigan si Guanzon na handa siyang humarap “kung kinakailangan,” lalo na kung ang usapan ay umiikot sa batas, tamang proseso, at pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan. (Larawan: Rowena Guanzon / Facebook)
