Diskurso PH
Translate the website into your language:

‘Kung malinis ka, patunayan mo. Kung hindi, huwag mong gawing tanga ang bayan’ — Pahayag ni Cong. Paolo Duterte laban sa Pangulo

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-11-17 23:18:33 ‘Kung malinis ka, patunayan mo. Kung hindi, huwag mong gawing tanga ang bayan’ — Pahayag ni Cong. Paolo Duterte laban sa Pangulo

DAVAO CITY — Matapang na umalma si Congressman Paolo “Pulong” Duterte matapos ang kontrobersyal na pahayag ni Senator Imee Marcos tungkol sa sariling kapatid, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ngayon ay nag-uugat ng panibagong diskusyon tungkol sa kredibilidad at kalusugan ng mga opisyal ng pamahalaan.

Sa isang matalas na reaksyon, nanindigan si Rep. Duterte na kung totoo ang sinasabi ng senadora, nararapat lang na malinawan ang sambayanang Pilipino, sa halip na pagtakpan o pagdepensahan ang isyu.

Ayon kay Duterte, matagal na nilang isinusulong ang hair follicle drug testing para sa lahat ng government officials, bilang bahagi ng transparency at integridad sa pamahalaan. Giit niya, hindi ito personal na pag-atake—kundi isang panawagan para sa patas at pare-parehong pamantayan sa lahat ng lingkod-bayan.

“Kung totoo ang sinasabi ni Senator Imee, then the Filipino people deserve clarity — not excuses,” pahayag ni Duterte.

Dagdag niya, maraming opisyal ang ayaw sumailalim sa drug testing, na nagbubukas ng tanong para sa publiko: Ano ang dahilan? Ano ang itinatago? At sino ang pinoprotektahan?

Sinabi pa ng kongresista na kung talagang walang dapat katakutan, dapat walang tumatanggi. Sa harap ng pahayag mula mismo sa kapatid ng Pangulo, lalo raw tumitibay ang kanilang panawagan:

“Magpa-drug test ang lahat ng opisyal ng gobyerno. Walang exempted. Walang special treatment.”

Sa pagtatapos ng kanyang pahayag, tumindig si Rep. Duterte para sa karapatan ng taumbayan:
“The Filipino people deserve honesty. Kung malinis ka, patunayan mo. Kung hindi, huwag mong gawing tanga ang bayan.”

Giit niya, nakasalalay ang buhay at kinabukasan ng mga anak ng bansa, kaya dapat masiguro na ang bawat namumuno ay may sapat na kakayanan—at hindi, aniya, “bangag.” (Larawan: Davao City Public Information Office / Facebook)