Diskurso PH
Translate the website into your language:

Tingnan: SLSU, pumangalawa sa top performing schools sa ‘midwifery board exam’

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-11-19 23:04:51 Tingnan: SLSU, pumangalawa sa top performing schools sa ‘midwifery board exam’

LUCBAN, Quezon Province Tinanghal na Top Performing School ang Southern Luzon State University (SLSU) – Lucban, Quezon sa katatapos lamang na Licensure Examination for Midwives, matapos magtala ng mataas na 96.55% passing rate.

Sa kategoryang may 20–29 examinees at may hindi bababa sa 80% passing percentage, pumangatlo ang unibersidad sa buong bansa at pumangalawa sa listahan ng mga paunang inilabas na top schools. Isa itong malaking karangalan para sa SLSU, lalo na para sa kanilang College of Allied Medicine na nagpapaigting ng kanilang programang pangkalusugan at paghubog sa mga midwife na may mataas na kakayahan at malasakit sa komunidad.

Ayon sa datos mula sa Professional Regulation Commission (PRC), isa ito sa pinakamataas na passing rate na naitala ng SLSU sa nakalipas na taon, na patunay umano ng kalidad ng kanilang academic training at hands-on practicum na isinasagawa sa iba’t ibang ospital at health centers sa Quezon.

Pinuri rin ng mga guro at opisyal ng unibersidad ang sakripisyo at dedikasyon ng mga bagong midwife, lalo na sa gitna ng tumataas na pangangailangan para sa maternal at child healthcare workers sa rehiyon.

Inaasahang mas lalo pang palalawakin ng SLSU ang kanilang midwifery program upang makapagbigay ng mas maraming healthcare professionals para sa CALABARZON at karatig na mga probinsya. (Larawan: SLSU / Facebook)