Diskurso PH
Translate the website into your language:

Freeze order laban sa assets ng Yap brothers kaugnay ng flood control scam, inilabas na

Marijo Farah A. BenitezIpinost noong 2025-12-10 16:05:56 Freeze order laban sa assets ng Yap brothers kaugnay ng flood control scam, inilabas na

DISYEMBRE 9, 2025 — Naglabas ng freeze order ang Court of Appeals laban sa mga ari-arian at bank account nina Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS Rep. Edvic Yap, matapos ipahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sangkot ang dalawa sa imbestigasyon ng umano’y maanomalyang flood control projects.

Ayon sa Pangulo, kabilang sa kinapitan ng freeze order ang Silverwolves Construction Corporation at Sky Yard Aviation Corporation, bukod pa sa mga personal na asset ng mga indibidwal na iniimbestigahan.

“Sakop ng freeze order ang mga account at ari-arian ng Silverwolves Construction Corporation at Sky Yard Aviation Corporation, pati na rin ang mga personal accounts at assets ng mga indibidwal na sangkot sa imbestigasyon — kabilang sina Congressman Eric Yap at Edvic Yap,” ani Marcos Jr.. 

Batay sa datos, umabot sa P16 bilyon ang kontratang nakuha ng Silverwolves mula 2022 hanggang 2025, at karamihan ay proyekto ng flood control. Kabuuang 280 bank accounts, 22 insurance policies, tatlong securities accounts, at walong air assets kabilang ang mga eroplano at helicopter ng Sky Yard Aviation ang na-freeze.

“Kailangan natin ang mga freeze order na ito para hindi maibenta ang mga ari-arian at para maibalik natin sa ating mga kababayan ang bawat pisong pinaghihinalaang ninakaw,” Marcos Jr. said.

Sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na bagaman nag-divest si Eric Yap mula sa Silverwolves, may indikasyon na siya pa rin ang tunay na may kontrol sa kompanya.

“He divested from it a few years ago, supposedly, but there is reason to suspect that he's still the beneficial owner of the company, so there's a clear case of conflict of interest, punishable also under Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act),” Remulla said. 

(Nag-divest siya ilang taon na ang nakalipas, diumano, pero may dahilan para maniwala na siya pa rin ang tunay na may-ari ng kompanya, kaya malinaw na kaso ito ng conflict of interest na maaaring parusahan sa ilalim ng Republic Act 3019.)

Dagdag pa ng Ombudsman, natukoy ng Anti-Money Laundering Council na si Edvic Yap ay tumanggap ng pera mula sa mga kontraktor na sina Pacifico at Cezarah Discaya, na umamin sa pagbibigay ng kickbacks kapalit ng proyekto.

Samantala, itinanggi ni Eric Yap ang mga paratang at iginiit na handa siyang harapin ang mga nag-akusa sa tamang forum.

Ang magkapatid na Yap ay kilalang sumuporta kay Marcos Jr. noong halalan 2022. Sa darating na 2025 midterm elections, muling tumakbo si Eric Yap sa ilalim ng Lakas-CMD, partido na pinamumunuan ng pinsan ng Pangulo na si dating House Speaker Martin Romualdez.



(Larawan: YouTube)