Sarah Discaya bumuhos ang luha sa interview; takot mahiwalay sa mga anak na may ADHD
Margret Dianne Fermin Ipinost noong 2025-12-11 08:05:10
MANILA — Napaiyak si Sarah Discaya, kontraktor na nasasangkot sa kontrobersyal na flood control projects, habang ikinukwento ang hirap na dinaranas niya sa gitna ng kasong kinakaharap.
Sa panayam ng ABS-CBN News, emosyonal na sinabi ni Discaya: “Șyempre you just don’t think of, ay hindi ako makukulong kasi nadamay lang ako. Niisip ko long term din, baka mamaya talagang makulong talaga ako. Um, Ayoko. Ayoko sana.
“As everyone knows my kids. They all have ADHD. Husband ko nasa Senate. Tapos ako makukulong. Ang hirap. Ang hirap. Hindi ko alam kung paano ang mga anak ko,” aniya.
Dagdag pa niya, ang kanyang pangunahing iniisip ay ang kapakanan ng kanyang mga anak. “Sobra, sobra concern ko mga anak ko. Kasi kung ano man ginagawa namin para sa mga anak namin, tapos biglang ihiiba na yun sa mga anak ko. Yun yung pinakamahirap… na mahiwalay sa mga anak,” aniya.
Si Discaya ay kusang-loob na nagtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) noong Disyembre 9, 2025, matapos ipahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inaasahan nang ilalabas ang arrest warrant laban sa kanya kaugnay ng umano’y ₱96.5-milyong ghost flood control project sa Davao Occidental.
Ayon sa ulat ng Philippine Star, dumating si Discaya sa NBI headquarters sa Pasay bandang alas-10 ng umaga, kasama ang kanyang abogado. Sinabi ng kanyang legal counsel na si Atty. Cornelio Samaniego III na “She is not evading the legal process… she is prepared to face the charges against her.”
Kasama si Discaya at ang kanyang asawang si Pacifico “Curlee” Discaya sa mga kontraktor na tinukoy ng Pangulo na nakakuha ng malaking bahagi ng flood control projects sa bansa. Ang kanilang kumpanya, ang Alpha and Omega General Contractor & Development Corporation, ay kabilang sa 15 firms na iniimbestigahan dahil sa umano’y anomalya.
Sa parehong linggo, nagsampa ang Office of the Ombudsman ng mga kasong graft at malversation of public funds laban sa mag-asawang Discaya at ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Larawan mula ABS-CBN News
