Diskurso PH
Translate the website into your language:

Paolo Duterte, humingi ng clearance para bumiyahe sa 17 na bansa

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-12-10 00:10:22 Paolo Duterte, humingi ng clearance para bumiyahe sa 17 na bansa

MANILA Philippines — Humiling ng pahintulot si Davao City First District Representative Paolo Duterte upang makabiyahe sa 17 na bansa mula Disyembre 15, 2025 hanggang Pebrero 20, 2026.

Sa liham na may petsang Disyembre 1, 2025 na ipinadala sa Speaker ng Kamara na si Faustino Dy III, sinabi ni Duterte na nakatakda siyang bumisita sa mga sumusunod na bansa: Hong Kong, China, Malaysia, Indonesia, South Korea, Japan, Vietnam, Cambodia, United States, Australia, United Kingdom, Netherlands, Germany, France, Belgium, Italy, at Singapore.

Ayon pa sa mambabatas, titiyakin niyang ang lahat ng gastusin sa naturang biyahe ay magmumula sa kanyang sariling bulsa at hindi gagastos ng anumang pondo ng pamahalaan. Binigyang-diin ng Kamara na karaniwan ang ganitong proseso sa mga kongresista na nais bumiyahe sa ibang bansa, lalo na kapag saklaw ng travel period ang mga petsang posibleng may sesyon. Hanggang sa ngayon, inaantabayanan pa ang pinal na desisyon ng Office of the Speaker hinggil sa kahilingan ng kongresista. (Larawan: House of Representatives / Facebook)