HRep Committee on Transportation, Tinalakay ang Ilang Batas sa Transpo, Kasama ang Motorcycle-for-Hire
Jaybee Co-Ang Ipinost noong 2025-09-11 14:22:13
Pinangunahan ni Hon. Franz S. Pumaren, Chairperson ng House Committee on Transportation, ang pagpupulong kung saan inaprubahan at tinalakay ang iba’t ibang panukalang batas na may malaking epekto sa accessibility ng transport services at sa kaligtasan ng publiko.
Mga Panukalang Batas na Naaprubahan na sa Ikatlong Pagbasa
HB 981 – Pag-upgrade ng LTO Office sa Batac, Ilocos Norte
Panukala ni Rep. Angelo Marcos Barba na gawing “Class C” mula sa “Class D” ang LTO sa Batac City. Kapag naipatupad, mas marami at mas malawak na serbisyo ang maaaring makuha ng mga motorista sa lugar, kabilang ang mas mabilis na pagproseso ng lisensya at rehistro.
HB 1006 – MARINA Extension Office sa Nasipit, Agusan del Norte
Ipinanukala ni Rep. Dale Corvera, layon nitong magtayo ng extension office ng Maritime Industry Authority (MARINA) para mas mapalapit ang serbisyo sa mga seafarers at stakeholders sa Caraga region.
HBs 1082 at 3134 – MARINA Regional Office sa Balanga City, Bataan
Inihain nina Reps. Albert Garcia at Jernie Jett Nisay, ang panukala ay magtatatag ng regional office ng MARINA sa Bataan para sa mas madaling access ng mga operator at marino sa Central Luzon.
HB 1836 – LTFRB District Office sa Cataingan, Masbate
Panukala ni Rep. Wilton “Tonton” Kho para magtayo ng district office ng LTFRB sa Masbate, na siyang mangangasiwa ng franchise applications, reklamo, at regulasyon ng public transport sa probinsya.
Mga Panukalang Sinimulan pa lang Talakayin
Regulasyon ng Motorsiklo-for-Hire
Mahigit 10 panukalang batas (HBs 65, 196, 276, 304, 331, 1319, 1496, 1991, 2094, 2857, 3150 at 3968) ang naglalayong i-regulate ang operasyon ng motorcycles-for-hire o “habal-habal” at mga app-based riders. Layon nitong tiyakin ang kaligtasan ng pasahero sa pamamagitan ng tamang training ng rider, roadworthiness ng motorsiklo, insurance, helmet requirement, at standardized fare system.
Pagtatatag ng Philippine/National Transportation Safety Board
HBs 1710 at 3304 (mula kina Reps. Angelo Marcos Barba at Franz Pumaren) ay nagmumungkahi na lumikha ng independent body na tututok sa imbestigasyon ng mga aksidente sa lupa, dagat, at himpapawid. Katulad ito ng mga transportation safety boards sa ibang bansa, na nagbibigay ng rekomendasyong pangkaligtasan para maiwasan ang aksidente sa hinaharap.
Pagpapalawak at Pag-upgrade ng mga LTO at LTFRB Offices
Maraming panukalang batas ang tumutok sa pagtatayo, conversion, o pag-upgrade ng mga district at extension offices ng LTO at LTFRB sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Layunin nitong bawasan ang pila at biyahe ng mga motorista para mag-renew ng lisensya, kumuha ng rehistro, at magproseso ng iba pang dokumento.
Kabilang dito ang:
- HB 1334 (Rep. Roman Romulo) – Expanding registration and licensing services sa LTO Pasig District Office.
- HB 2052 (Rep. Carl Nicolas Cari) – Pag-convert ng LTFRB extension office sa Baybay City, Leyte.
- HB 2357 (Rep. Nelson Legacion) – Pagtatatag ng satellite office ng LTFRB sa Naga City, Camarines Sur.
Bakit Mahalaga Ito
- Mas Malapit na Serbisyo – Hindi na kailangan pang bumiyahe ng malayo ang mga motorista at seafarers para sa simpleng transaction tulad ng rehistro, lisensya, o dokumento ng barko.
- Kaligtasan ng Publiko – Ang regulasyon sa motorcycle-for-hire ay inaasahang magpapababa ng aksidente at masisiguro ang mas maayos na proteksyon para sa mga pasahero.
- Mas Malakas na Institusyon – Ang Philippine/National Transportation Safety Board ay magbibigay ng mas propesyonal na imbestigasyon sa mga aksidente at maghahain ng konkretong rekomendasyon para sa mas ligtas na sistema ng transportasyon.
- Budget at Implementasyon – Lahat ng panukalang ito ay may kasamang appropriations, ibig sabihin kailangan din ng sapat na pondo at epektibong pagpapatupad para maramdaman agad ng publiko ang benepisyo.
Susunod na Hakbang
- Pagpapatuloy ng committee hearings at consultations kasama ang LTO, LTFRB, MARINA, motorcycle-for-hire operators, at safety advocates.
- Posibleng consolidation ng iba’t ibang motorcycle-for-hire bills para maging isang batas na mas malinaw at madaling ipatupad.