Diskurso PH
Translate the website into your language:

Former Rep. Robert Ace Barbers, Itinalaga na Bilang Chief Communications Officer ng Office of the Speaker

Jaybee Co-AngIpinost noong 2025-09-12 09:14:37 Former Rep. Robert Ace Barbers, Itinalaga na Bilang Chief Communications Officer ng Office of the Speaker

Sa inilabas na memorandum nitong Miyerkules, itinalaga si Former Rep. Robert Ace Barbers, Chief Communications Officer (CCO) ng Office of the Speaker. Kamakailan lang ay palagian na siyang lumalabas sa media upang magbigay ng pahayag ukol sa pananatili ng kasalukuyang liderato sa House of Representatives.

Sino si Former Rep. Ace Barbers? 

Si Rep. Barbers ay kilala bilang isang masigasig na mambabatas na may matibay na paninindigan laban sa ilegal na droga. Sa kanyang termino sa HRep, pinangunahan niya ang pagsusulong ng mga batas at inisyatibang nakatuon sa drug prevention, rehabilitation, at law enforcement support.

Noong siya ang Chairperson ng House Committee on Dangerous Drugs, nanguna siya sa mga pagdinig at imbestigasyon kaugnay ng malalaking kaso ng drug trafficking at pagpapatibay ng mga polisiya upang mapalakas ang kampanya ng gobyerno laban sa droga. Ang kanyang pamumuno ay nagbigay-diin sa balanced approach—hindi lamang sa law enforcement kundi pati sa public health at community-based interventions.

Ano ang Papel niya Bilang Chief Communications Officer?

Sa kanyang bagong tungkulin, si Barbers ang mangunguna sa pagbuo at pagpapalabas ng official statements, press advisories, at iba pang communication materials na magpapakita ng posisyon, prayoridad, at mga pinahahalagahan ng Speaker.


Kabilang din sa kanyang mga responsibilidad ang:

  • Pagmo-monitor ng media coverage at pagtukoy sa reputational risks;
  • Pagpapatibay ng ugnayan sa mga mamamahayag at media outlets para sa tumpak at positibong representasyon ng Speaker;
  • Pagre-representa sa Speaker sa public at media engagements;
  • Pagsisiguro ng responsible at transparent communication practices; at
  • Pagtugon nang maagap at tama sa mga media inquiries.

Layon ng pagtatalaga na mas mapalakas ang komunikasyon ng Office of the Speaker, tiyakin ang tamang pagbabahagi ng impormasyon, at maprotektahan ang reputasyon ng institusyon.