PAPI, nakipag-partner sa CTBC para sa libreng ATM balance check, withdrawal
Ipinost noong 2025-04-12 13:20:11
Abril 12, 2025 — Nag-anunsyo ang Pito AxM Platform Inc. (PAPI), isang subsidiary ng Japan’s Seven Bank Ltd., ng partnership nito sa CTBC Bank Philippines Corp. para gawing mas maginhawa ang banking transactions para sa mga Pilipino.
PAPI ang may hawak ng network ng halos 3,000 ATMs at cash-recycling machines na makikita sa mga 7-Eleven stores sa buong bansa.
Ayon sa isang news release, sa pamamagitan ng collaboration na ito, makakapag-withdraw ng libre at makakapag-check ng balance ang mga debit at cash cardholders ng CTBC Bank Philippines sa piling 7-Eleven at Alfamart stores.
“This partnership allows us to further our mission of making everyday banking transactions more convenient and accessible for Filipinos. With thousands of participating 7-Eleven and Alfamart stores, CTBC Bank Philippines clients can now enjoy greater financial flexibility at their fingertips (Sa partnership na ito, mas napapalapit namin ang aming misyon na gawing mas accessible at convenient ang banking transactions para sa mga Pilipino. Dahil sa libu-libong participating 7-Eleven at Alfamart stores, mas magiging flexible ang financial transactions ng CTBC Bank Philippines clients),” ani Taku Namikawa, PAPI president at CEO.
Samantala, binigyang-diin din ni Luis Elizaga, president at CEO ng CTBC Bank Philippines, ang commitment ng bangko:
“At CTBC Bank Philippines, our commitment has always been to deliver accessible, reliable, and customer-centric banking services (Sa CTBC Bank Philippines, ang aming pangako ay patuloy na maghatid ng accessible, maaasahan, at customer-centric banking services).”
Unang nakipag-partner ang PAPI sa Philippine Seven Corp., ang master franchise holder ng 7-Eleven, noong Pebrero 2020, para sa pag-install, operasyon, at maintenance ng cash-recycling ATMs sa mga 7-Eleven stores sa Pilipinas.
Larawan: PKpix/Canva
