Meta, naglabas ng bagong AI app para makipagsabayan kay ChatGPT
Ipinost noong 2025-04-30 20:03:45
Abril 30, 2025 — Inanunsyo ng tech giant na Meta ang paglulunsad ng kanilang kauna-unahang standalone AI assistant app, na direktang nakikipagkumpitensya sa ChatGPT sa pamamagitan ng pagbibigay ng agarang access sa mga generative AI models nito. Ibinahagi ni CEO Mark Zuckerberg ang balita sa Instagram, na nagsasabing isang bilyong user na ang gumagamit ng Meta AI sa kanilang mga apps. “A billion people are using Meta AI across our apps now, so we made a new standalone Meta AI app for you to check out (Isang bilyong tao na ang gumagamit ng Meta AI sa aming mga app ngayon, kaya gumawa kami ng bagong standalone na Meta AI app para makita mo),” sabi niya.
Inilarawan ni Zuckerberg ang bagong app bilang "iyong personal na AI," na idinisenyo upang makipag-ugnayan pangunahing sa pamamagitan ng boses at iniakma para sa bawat gumagamit. "We're starting off really basic, with just a little bit of context about your interests (Nagsisimula kami sa pinaka-basic, na may kaunting impormasyon tungkol sa iyong mga interes)," dagdag niya. "But over time, you're going to be able to let Meta AI know a whole lot about you and the people you care about from across our apps, if you want (Pero sa paglipas ng panahon, magkakaroon ka ng pagkakataong ipaalam sa Meta AI ang maraming bagay tungkol sa iyo at sa mga taong mahalaga sa iyo mula sa aming mga app, kung nais mo)."
May social twist din ang app—may feed kung saan pwedeng makita ang mga AI-generated posts ng ibang users. “We learn from seeing each other do it, so we put this right in the app (Natututo tayo sa pamamagitan ng pagpapanuod sa isa't isa, kaya't inilagay namin ito direkta sa app),” ani Chief Product Officer Chris Cox sa LlamaCon, ang developer event para sa open-source AI model ng Meta. “You can share your prompts. You can share your art. It's super fun (Maaari mong ibahagi ang iyong mga prompt. Maaari mong ibahagi ang iyong sining. Talagang masaya ito).”
Ang app na rin ang bagong companion app ng Ray-Ban Meta smart glasses, replacing Meta View. Pwede raw mag-seamlessly shift ng conversation from phone to glasses—super natural, parang real convo lang. “We were very focused on the voice experience; the most natural possible interface (Kami ay sobrang nakatutok sa karanasan ng boses; ang pinaka-natural na posibleng interface),” dagdag ni Cox. May experimental mode pa na parang totoong tawag—may interruptions, tawanan, at casual na tono. Pero hindi pa ito marunong mag-search ng real-time info gaya ng sports scores o updates sa Papal conclave.
Pwede ring i-personalize ni Meta AI ang responses base sa activity mo sa Facebook at Instagram, at may memory features para sa mga detalye gaya ng birthdays o pangalan ng kids mo. “It will also remember things you tell it like your kids' names; your wife's birthday, and other things you want to make sure your assistant doesn't forget (Tatatandaan din nito ang mga bagay na sasabihin mo, tulad ng mga pangalan ng iyong mga anak, kaarawan ng iyong asawa, at iba pang mga bagay na nais mong hindi malimutan ng iyong assistant),” ayon kay Cox.
Ang launch ng app ay nangyayari habang tumitindi ang kompetisyon sa AI space, lalo na laban kay ChatGPT. Sa LlamaCon, binigyang-diin ni Zuckerberg ang flexibility ng Meta’s open-source Llama model. “Part of the value around open source is that you can mix and match (Isa sa mga halaga ng open source ay ang kakayahang paghaluin at pagsamahin ang iba't ibang bahagi),” sabi niya. “You have the ability to take the best parts of the intelligence from the different models and produce exactly what you need, which I think is going to be very powerful (May kakayahan kang kunin ang pinakamagagandang bahagi ng katalinuhan mula sa iba't ibang modelo at makagawa ng eksaktong kailangan mo, na sa tingin ko ay magiging napaka-powerful).”
Larawan: Dima Solomin, ilgmyzin/Unsplash
