Giyera na ba? Israel, Iran tuluyan nang nagpalitan ng missile attacks
Marijo Farah A. Benitez Ipinost noong 2025-06-15 17:35:29
HUNYO 15, 2025 — Nag-escalate ang hidwaan ng Israel at Iran kagabi, na nagresulta sa pagpapalitan ng missile attacks na kumitil sa buhay ng mga sibilyan, sumira sa imprastraktura, at nagpa-panic sa mga global leader para maiwasan ang all-out war.
Tumunog ang air raid sirens sa Jerusalem at Haifa nang bombahin ng Iran ang mga lungsod sa Israel. Patay ang hindi bababa sa pitong sibilyan, kasama ang isang bata, at nasugatan ang 140 katao. Naghukay ang mga rescue team sa Bat Yam, kung saan gumuho ang isang apartment building dahil sa strike, at marami ang nawawala.
Gumanti naman ang Israel sa pamamagitan ng pag-atake sa mismong Iran, at tinarget ang oil depot sa Tehran, defense ministry complex, at — una sa kasaysayan — ang kritikal na energy infrastructure. Nagliyab ang bahagi ng South Pars gas field matapos itong atakehin ng Israel, na nagdulot ng partial shutdown at nagdulot ng agam-agam sa posibleng epekto sa global energy supply.
Kinansela ng Iran ang planned nuclear talks sa U.S., at inakusahan ang Israel ng "barbarous" aggression. Nagbabalak pa ng karagdagang strikes si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at hinimok ang mga Iranian na mag-alsa laban sa kanilang gobyerno. Samantala, nagbanta ang Tehran na tatargetin ang U.S. military bases kung tutulong sila sa Israel.
Umabot na sa 87 ang patay sa loob lamang ng tatlong araw, kasama ang 78 na nasawi sa unang atake ng Israel — 29 sa kanila ay mga bata na natabunan sa gumuhong apartment block sa Tehran.
Babala ng mga analyst, may panganib na mas lumawak pa ang gulo.
Inakusahan ang Israel na pumili ng dahas kaysa diplomasya, na nagpapahamak sa seguridad ng rehiyon. Kinondena ng human rights group na B'Tselem ang military escalation at nagbabala sa panganib nito.
Habang tuloy ang labanan sa pagitan ng dalawang bansa, naghahanda naman ang buong mundo sa susunod na mangyayari at kung saan pa hahantong ang labanang ito.
(Larawan: YouTube)
