Diskurso PH
Translate the website into your language:

Lakas tama! Lalaki, natapos ang 8-kilometrong karera kahit lasing at naka-tsinelas lang

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-08-13 17:08:35 Lakas tama! Lalaki, natapos ang 8-kilometrong karera kahit lasing at naka-tsinelas lang

GARAFÃO DO NORTE, BRAZIL — Isang lasing na lalaki ang hindi inaasahang naging viral sensation matapos makilahok at matagumpay na matapos ang isang 8-kilometrong karera sa Brazil noong Hulyo 27, 2025 — suot lamang ang tsinelas at may hangover pa.

Kinilala ang lalaki bilang si Isaque dos Santos Pinho, 31 taong gulang, isang palaboy mula sa munisipalidad ng Garrafão do Norte sa estado ng Pará. Ayon sa panayam ng Globo News, “I was having a couple of drinks there, and it got light, and I went for a walk around the square. I saw a crowd and decided to run to see if the hangover would go away.”

Hindi siya rehistrado sa karera, walang tamang gear, at kagagaling lang sa inuman. Ngunit nang magsimula ang karera, sumabay siya sa mga kalahok at tumakbo nang todo, kahit pagewang-gewang at halos mawalan ng balanse. Nakunan pa siya ng drone footage habang tumatakbo, na agad nag-viral sa social media.

Bagama’t napag-iwanan ng ibang runners, matagumpay niyang tinapos ang karera. Bilang pagkilala, binigyan siya ng organizers ng complimentary medal kahit hindi siya opisyal na kalahok. Ayon sa lokal na pamahalaan ng Garrafão do Norte, “After completing an 8-km running race in flip-flop last weekend, Isaac resonated throughout Brazil. He is now frequently seen training on the streets of our city.”

Sa likod ng nakakatawang tagpo ay isang mas malalim na kwento. Ibinahagi ni Isaque na siya ay ipinanganak sa Capitão Poço at pinalaki ng kanyang ina matapos silang iwan ng kanyang ama. Dahil sa kahirapan, nalulong siya sa alak at naging palaboy. “My dream is to get out of the life of cachaca (white rum), the addiction, get a job, and have family and friends to support me,” aniya.

Matapos ang viral na karera, gumawa ng online profile para kay Isaque ang isang netizen na si Estela Larizzieri. Dahil dito, nagsimula siyang makatanggap ng donasyon gaya ng running shoes, damit, at training gear. Ilang professional runners ang nag-alok na i-train siya, at inimbitahan siya ng lokal na pamahalaan na lumahok sa mga susunod na karera.

Ngayon, araw-araw nang nag-eensayo si Isaque at sineryoso na ang pagtakbo. “I’ll never give up,” aniya sa panayam. Mula sa isang lasing na palaboy, naging simbolo siya ng pag-asa at pagbabago sa Brazil.