Tingnan: Bangkay ni Tamir Adar, sundalong nasawi sa pag-atake ng Hamas, naiuwi na matapos ang halos dalawang taon
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-10-23 22:35:45
ISRAEL — Sa libing ni Tamir Adar na ginanap sa Kibbutz Nir Oz, emosyonal na sinabi ng kanyang ina na si Yael Adar, “Malaya ka na, nasa bahay ka na.”
Ang seremonya ay ginanap bilang paggunita sa pagbabalik ng mga labi ni Tamir, halos dalawang taon matapos siyang mapatay habang ipinagtatanggol ang kibbutz noong Oktubre 7, 2023, sa gitna ng pag-atake ng Hamas.
Sa kanyang talumpati, inilarawan ni Yael ang magkahalong damdamin ng matinding dalamhati at kaunting kapanatagan, habang nagpapasalamat na sa wakas ay naibalik na sa kanilang tahanan ang kanyang anak. Nanawagan din siya para sa agarang pagbabalik ng lahat ng mga bihag at mga nasawing Israeli na nananatili pa rin sa Gaza.
Si Tamir Adar ay itinuring na bayani — isang sundalong nag-alay ng buhay para sa Israel at sa kanyang komunidad. (Larawan: Chaim Goldberg / Flash90)
