Apela para sa mga bata sa gitna ng digmaan — liham ni Melania kay Putin, iniabot na ni Trump
Marijo Farah A. Benitez Ipinost noong 2025-08-17 19:04:34
AGOSTO 17, 2025 — Sa isang hindi inaasahang sandali sa pulong nina Pangulong Donald Trump at Vladimir Putin sa Alaska, ibinigay ng lider ng Amerika ang isang personal na liham mula sa kanyang maybahay, si First Lady Melania Trump, na nananawagan para sa kapayapaan. Ayon sa ulat ng Fox News, agad na binasa ni Putin ang liham matapos itong maabot sa kanya habang nakatingin ang mga delegasyon ng dalawang bansa.
"In today’s world, some children are forced to carry a quiet laughter, untouched by the darkness around them," nakasaad sa liham, na pirma ni Melania.
(Sa mundo ngayon, may mga batang napipilitang magkunwaring masaya, habang pinipigilang madala ng dilim sa kanilang paligid.)
Hindi binanggit ang Ukraine, ngunit malinaw ang panawagan: "Mr Putin, you can singlehandedly restore their melodic laughter. In protecting the innocence of these children, you will do more than serve Russia alone — you serve humanity itself."
(Ginoong Putin, kayo lamang ang makapagpapanumbalik ng tunay na halakhakan nila. Sa pagprotekta sa pagka-inosente ng mga batang ito, hindi lang Russia ang inyong pinaglilingkuran — kundi ang buong sangkatauhan.)
Idinagdag pa ng first lady: "Such a bold idea transcends all human division, and you, Mr Putin, are fit to implement this vision with a stroke of the pen today. It is time."
(Ang ganitong matapang na adhikain ay nakakahigit sa lahat ng human division, at kayo, Ginoong Putin, ang karapat-dapat na magpatupad ng vision na ito sa isang lagda lamang. Ngayon na ang panahon.)
Noong Hulyo, inamin ni Trump na nagbago ang kanyang pananaw kay Putin dahil sa kanyang asawa, na tubong-Slovenia.
"I go home, I tell the first lady, ‘You know, I spoke to Vladimir today. We had a wonderful conversation,'" sabi niya. "And she said, ‘Oh really? Another city was just hit.'"
(Pag-uwi ko, sinabi ko sa first lady, 'Alam mo, nakausap ko si Vladimir kanina. Ang ganda ng usapan namin.' Sumagot naman siya, 'Talaga? May lungsod na naman ang binomba.')
Matapos ang eleksyon, sinubukan ni Trump na magbalik-loob kay Putin, na nangakong wawakasan ang digmaan sa Ukraine sa loob ng 24 oras. Ngunit sa Alaska summit, tila humina ang kanyang panawagan ng ceasefire.
Ayon kay Trump, ang pinakaepektibong solusyon para wakasan ang digmaan ay ang pagtatag ng isang direktang kasunduang pangkapayapaan. Sinabi niya ang pahayag na ito matapos ang pulong sa lider ng Russia.
Laging iginigiit ni Putin ang negosasyon para sa pangwakas na kasunduan, isang estratehiyang tinutulan ng Ukraine at Europa dahil sa pag-aalala na ito ay para lamang makahabol ang Russia sa mga nasakop nitong teritoryo.
Bagamat walang naabot na kasunduan sa pulong, ang liham ni Melania ang naging sentro ng atensyon — isang makahulugang apelang nagpapakita ng halaga ng diplomasya sa gitna ng giyera.
(Larawan: Yahoo)
