Claudine Co, dumaranas umano ng depression dahil sa pambabatikos?
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-08-31 20:14:48
MANILA — Isang matinding panawagan ang inilabas ng umano’y matalik na kaibigan ni Claudine Co matapos masangkot ang pangalan nito sa usapin ng umano’y “ghost project.” Ayon sa kaibigan, walang kinalaman si Claudine sa nasabing isyu at hindi siya dapat husgahan batay lamang sa mga akusasyon na kumakalat sa social media.
“Guys, please, let’s spare Claudine. She doesn’t know nor is she involved in the ghost project. She’s innocent and such a beautiful soul to be dragged into this issue,” ani ng kaibigan sa isang pahayag.
Dagdag pa niya, mali ang paniniwala ng ilan na diumano’y pera ng buwis ang winawaldas ni Claudine. Giit niya, masipag at responsable si Claudine sa kanyang trabaho at hindi kailanman gagawa ng bagay na ikasisira ng kanyang pangalan.
Gayunpaman, dahil sa matinding pambabatikos at patuloy na pagdawit sa isyu, sinabi ng kaibigan na nakararanas na ng anxiety at depression si Claudine.
“Right now, Claudine is already suffering from anxiety and depression,” dagdag pa niya.
Umapela rin ito sa publiko na magpakita ng pag-unawa at malasakit. Ayon sa kanya, dapat isaalang-alang ang kalusugang pangkaisipan ng isang tao bago magbitiw ng mabibigat na paratang, lalo na sa social media kung saan mabilis kumalat ang maling impormasyon.
Nanawagan din siya na sana’y unahin muna ang katotohanan at ebidensya bago husgahan ang isang tao. “She’s a hardworking girl and I know that,” pagtatapos ng kanyang pahayag.
Samantala, wala pang opisyal na tugon si Claudine hinggil sa isyu, ngunit ayon sa kanyang kaibigan, patuloy siyang lumalaban sa kabila ng mga pagsubok. (Larawan: PEP.Ph / Google)