Taken na si Kathryn?! Mayor Mark Alcala, Bagong Jowa Raw Ni Kath!
Ipinost noong 2025-03-10 10:52:59
Mga ka-Marites, humanda na kayo at mag-imbak ng popcorn dahil heto na naman ang pinakabagong pasabog sa mundo ng showbiz!
Eto na nga, mga besh! Ayon sa latest chika ni Ogie Diaz sa kanyang “Showbiz Update” vlog kasama sina Mama Loi at Ate Mrena, hindi na raw single si Kathryn Bernardo! Aba, aba! Ito na ba ang tuluyang pagtatapos ng KathDen?!
Eto na ang matinding chika mga ka-Marites, TAKEN NA RAW SI KATHRYN! At ang mas nakakaloka? Hindi artista ang bago niyang jowa, kundi isang batang politician!
Ayon kay Ogie Diaz, may source daw siya na nagbulong sa kanya na ang bagong nagpapakilig kay Kathryn ngayon ay walang iba kundi si Mayor Mark Alcala ng Lucena City, pero di pa raw ito confirmed! Naku, besh! Mula kay Daniel Padilla na isang sikat na artista, biglang lumipat ang puso ni Kathryn sa isang mayor! Juice ko, may pa-level up talaga si girl!
Mga besh, eto raw ang juicy details na nalaman ni Ogie:
November or December 2024 daw nangligaw si Mayor Mark kay Kathryn. Di lang pumasok sa eksena nang KathDen kasi kasagsagan nang showing nang Hello, Love Again. Minsan daw, si Mayor Mark ang lumuluwas sa Manila para bisitahin si Kathryn. Minsan naman, si Kathryn ang bumibisita sa Lucena City para mag-spend time kay Mayor.
Hala mga ka-Marites, mukhang goodbye na talaga ang KathDen! Ang sakit, besh! Lahat tayo umaasa na magkaayos pa sina Kathryn at Daniel, pero mukhang malabo na talaga ‘yun!
Ang sabi ni Ogie Diaz, nagkaayos naman daw sina Daniel at Kathryn, pero malabong magkabalikan dahil may ibang nagpapasaya na ngayon kay Kathryn. Aba, besh! Ibig sabihin, si Mayor Mark na talaga ang panalo!
Eto pa ha, ayon kay Ogie:
“Imposibleng magkabalikan sina Daniel at Kathryn kasi may ibang nagmamay-ari na ng puso ni Kathryn.”
“May source akong nagsabi na si Mayor Mark Alcala na talaga ang nagpapasaya kay Kath.”
Syempre, sino bang hindi masisindak sa balitang ‘to, mga ka-Marites?! Ang mga loyal KathDen fans, todo react sa social media!
Eto pa ang matinding tanong mga Marites , anong reaksyon ni Daniel Padilla sa isyu?!
Well, ayon sa latest chika, deadma pa rin daw si DJ! Aba, parang tahimik si kuya ha!
Pero may mga nag-iingay na baka kaya hindi na nagre-reach out si DJ kay Kath ay dahil alam niyang may ibang nagpapasaya na rito.
Hala, DJ! Lalaban ka pa ba o magmo-move on ka na rin?!
Naku eto na ang matinding tanong, may resibo ba na magjowa na talaga sina Kathryn at Mayor Mark? WALA PANG PICTURE! Walang spotted moments na magkasama sila. Walang official confirmation kay Kath o kay Mayor Mark!
Pero ayon sa source ni Ogie, may mga palihim na pagkikita raw si Kath at Mayor Mark either sa Manila or Lucena City. Hala, besh! Secret relationship ang peg?!
Pero sey ni Ogie, wala naman daw masama kung maging sila kung pareho naman single. Pak! Full support yan.
Aba, mga ka-Marites, huwag bibitaw ha! Kung may resibo man o wala, abangan natin kung kailan aamin sina Kathryn at Mayor Mark! Ano ka Marites, anong team ka ba? KathDen? KathNiel or MarkRyn na?
Larawan mula sa Facebook/Mak Alcala - Instagram/Kathry Bernardo
